The crime drama series is a partnership between ABS-CBN and Electric Entertainment and is the first American TV show to be shot entirely in the Philippines. It was made possible through the support of the Film Development Council of the Philippines, various local government units, and other organizations.
Cast ng programa, binalikan ang masasayang alaala
Haharapin ni Alex Walker ang pinakamahirap na hamon sa kanyang buhay sa pagdating sa Pilipinas ng kanyang anak at ng kanyang mortal na kaaway sa huling episode ng “Almost Paradise” ngayong Linggo (Mayo 23), 8:45 pm sa Kapamilya Channel at A2Z.
Sa episode na ito na dinirek ng mismong showrunner ng “Almost Paradise” na si Dean Devlin, magtatagpo muli si Alex (Christian Kane) at ang dati niyang partner na si Todd (Jared Turner), na siyang nagpahamak sa kanya sa trabaho. Sorpresa ring dumating ang anak niyang si Evelyn (Nathalie Morris) upang pag-usapan ang kanilang mga problema, ngunit mapapasok lang siya sa mas matinding gusot.
Matapos tumulong sa pagresolba ng mga kaso at paghuli ng kriminal, si Alex naman ngayon ang mangangailangan ng tulong nina Ernesto (Art Acuña) at Kai (Samantha Richelle) upang isalba ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Tulad ng nakaraang nine episodes, tampok dito ang Pinoy guest stars tulad nina Sophia Reola, Miguel Faustmann, Raul Montesa, Karla Pambid, John James Uy, Apollo Abraham, at Bambi Beltran.
Proyekto ng ABS-CBN at Electric Entertainment ang “Almost Paradise” na kauna-unahang American TV series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas. Naisagawa ito sa suporta ng Film Development Council of the Philippines, mga lokal na pamahalaan, at iba pang organisasyon.
Samantala, nagsama-sama ulit ang team at cast ng “Almost Paradise” sa ginanap na virtual media conference ng ABS-CBN noong Mayo 12. Dito ipinahayag ni Christian ang pagmamahal sa mga nakatrabahong Pilipino na ngayon ay itinuturing na niya bilang pamilya.
“I love the people that I worked with there. I love their professionalism. I love the wanting to make art that was in their bones, that was in their blood that came out with what we did. They were just family and that was my best memory of Cebu. And that’s why I wanna go back so bad,” aniya.
Kinuwento rin ni Art, na ginampanan ang tahimik pero maaasahang pulis na si Ernesto Alamares, ang magandang chemistry nila sa programa. Malaki naman ang pasasalamat sa “Almost Paradise” ni Samantha, na bagamat isang baguhan ay hinangaan sa pagganap niya kay Kai, isang matapang at may paninindigang detective na may mapait na nakaraan.
Para kay Nonie Buencamino, na gumanap bilang si police chief Ike Ocampo, hindi niya malilimutan ang masayang kwentuhan at tawanan ng cast pati na rin ang husay ng mga nagta-trabaho sa likod ng camera.
“I have really great memories with the staff who are so professional and very caring. People from ABS-CBN, they were crème of the crop over there. And because I knew them already from my years of working in ABS, it felt like it was another home,” sabi niya.
Samantala, ibinahagi naman ni ABS-CBN Head of International Production and Co-Production Ruel S. Bayani na patuloy na gagawa ng proyekto ang ABS-CBN na magka-kampeon sa talento ng Pinoy tulad ng “Almost Paradise.”
“This is the first of many more international co-productions across Asia, Europe, and United States,” pahayag niya.
Huwag palampasin ang huling episode ng “Almost Paradise” sa Kapamilya Channel at A2Z sa Linggo, 8:45 pm. Napapanood rin ito ng mga nasa Pilipinas sa iWantTFC at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.