News Releases

English | Tagalog

Pinakamaiinit na showbiz balita, hatid ng “Anything K,” “Anong Meron, Chikkaness?,” at “Showbiz Café” sa FYE Channel

May 20, 2021 AT 03 : 18 PM

Balitang artista, intriga, pati K-news, ibibida!
 
Magiging sagana sa balitang showbiz ang FYE Channel sa paglulunsad nito ng bagong digital talk shows na “Anything K,” “Anong Meron, Chikkaness?,” at Showbiz Café” sa Pinoy livestreaming app na kumu ngayong buwan.
 
K-pop, K-drama, at iba pang K-updates ang baon sa “Anything K” ng TikTok star na si Kristy Cho (@kristypata), isang Korean na may pusong Pinoy na sa kasalukuyan ay may halos 900,000 followers na sa TikTok. Siguradong matutuwa ang mga Patatas, ang tawag ni Kristy sa kanyang followers, sa mga kwento at updates niya tungkol sa Korean culture. 
 
Meron ding bagong show ang YouTuber na si Albert Bryan Abelido na nasa likod ng matagumpay na Chikkaness Ave channel na may halos 600,000 subscribers na sa YouTube. Sa programang “Anong Meron, Chikkaness?,” hatid niya ang weekly showbiz roundup, interviews, palaro, at pasilip na performances ng bisitang artista, pati na rin ang mga nakaka-intrigang blind items na siguradong ikatutuwa ng kumunizens.
 
Tampok din sa “Showbiz Café” ang kwelang usapan tungkol sa mga pinakahuling pangyayari sa showbiz, juicy blind items, at eksklusibong panayam kasama ang ilan sa mga pinakasikat na artista.  Pangungunahan ang programa ng mga beteranong entertainment journalists ng bansa na sina Roldan Castro, Fernan de Guzman, Mildred Bacud, Rommel Placente, Melba Llanera, Joey Austria, at Boy Romero ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC).
 
Isa ang FYE sa ABS-CBN channels na mapapanood sa lumalaking Pinoy community platform na kumu. Meron itong iba’t ibang livestream araw-araw tungkol sa showbiz, lifestyle, sports, at current affairs tampok ang mga kilalang Kapamilya streamers.
 
Abangan ang “Anything K” tuwing Martes, 8:30 pm, “Anong Meron, Chikkaness?” tuwing Sabado, 12 nn simula May 22, at “Showbiz Café” tuwing Martes, 9:30 am simula May 25 sa FYE Channel. Magdownload na ng kumu app at sundan ang FYE Channel @fyechannel.
 
Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter, at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.