Bibisitahin ni Angel Locsin at "Iba Yan" ang mga siklistang nagmumulat sa mata ng maraming Pilipino sa mga benepisyo ng paggamit ng bisekleta sa trabaho ngayong pandemya, ngayong Linggo (Mayo 29) sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.
Isa sa makikilala ng viewers si Rowhe Siy na nakahiligan ang pagbibisikleta dahil sa asawa at pumapasok na ngayon sa trabaho sa pamamagitan nito. Dahil sa hilig niya na ito, naisipan niya gumawa ng Facebook page na "Mobile in MNL" kung saan nagfe-feature sila ng iba't ibang siklista para na rin mahikayat ang mga Pilipinong magbike.
Naglunsad din siya ng programang “Bike Commute for Newbies," kung saan tinuturuan nila ang mga Pinoy na huwag matakot na magbike sa mga kalsada.
Makakasama rin sa episode ang founder ng Facebook group na "Folding Bike Rider Philippines" na si Michael Ydel na nanghihikayat sa mga Pilipino na bumili ng folding bikes, isang praktical na solusyon sa mga manggagawa dahil madali itong bitbitin. Lumikha rin siya ng sarili niyang YouTube Channel kung saan binabahagi niya kung saan affordable bumili ng bikes.
Samahan si Angel ngayong Linggo, (Mayo 29) sa "Iba 'Yan,” na mapapanood A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa at The Filipino Channel.