News Releases

English | Tagalog

'Soltera' ni Marcicel palabas muli sa KTX

May 27, 2021 AT 10 : 07 AM

Catch Eric and Sandra's intense affair as the digitally restored version of "Soltera" streams starting June 3 at 7:30 PM

Bilang pagbibigay-pugay sa showbiz career ng Diamond Star

Inihahandog ng ABS-CBN Film Restoration sa ika-50 anibersaryo sa showbiz ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang "Soltera," isang kwento ng May-December love affair, na pinagbidahan din nina Diether Ocampo at Claudine Barretto, sa Sagip Pelikula Festival sa KTX ngayong Hunyo 3 (Huwebes), 7:30 PM.    

Gumanap sina Maricel at Diether bilang Sandra at Eric, na may May-December love affair. Si Sandra ay isang wedding planner na takot mamuhay nang mag-isa. Mapapamahal siya sa binatang si Eric (Diether) na puspusang nanligaw sa kanya. Sa kabila ng agwat ng kanilang mga edad, susubukan ng dalawa na lagpasan ang mga hadlang sa kanilang relasyon, hanggang sa mapagod si Eric at makilala ang assistant ni Sandra na si Lisa (Claudine).   

Isang alitan ang mamumuo sa pagitan nila hanggang malaman ni Sandra na buntis siya sa anak ni Eric. Mapuno kaya ng poot ang puso ni Sandra o matutunan kaya niyang patawarin ang mga nagkasala sa kanya? 

Sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng at panulat ni Jun Lana, tampok din sa Star Cinema movie sina Raymond Bagatsing, Maila Gumila, Nida Blanca, Edu Manzano, at iba pa.       

Tunghayang muli ang istorya nina Eric at Sandra sa premiere ng digitally restored version ng "Soltera" simula Hunyo 3, 7:30 PM sa KTX. Mabibili na ang mga ticket nito sa http://bit.ly/SolteraOnKTX sa halagang P150. Abangan ang pre-show nito tampok sina Maricel Soriano, Raymond Bagatsing, at Direk Jerry Lopez Sineneng. 

Patuloy na magbibigay-pugay ang Sagip Pelikula Festival sa karera ni Maricel Soriano sa pagpapalabas pa ng iba pang mga pelikula niya na digitally restored tulad ng "Mila," "Ikaw Pa Lang ang Minahal," "John & Marsha '85 sa Probinsya," "Separada," "Minsan Lang Kita Iibigin," at "Inagaw Mo ang Lahat sa Akin" simula Hunyo 4 (Biyernes) sa KTX.   

Patuloy ang adhikain ng ABS-CBN Film Restoration at ang proyekto nitong Sagip Pelikula na ibalik ang dating ganda ng mga klasikong pelikulang Pilipino. Dahil dito, kinilala na ng ilang award-giving body ang inisyatibo nito, tulad nalang ng makatanggap ito ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators (IABC), at ng Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).    

Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa "Sagip Pelikula," i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).