Itinanghal na kauna-unahang ultimate “Versus” grand champion ang Bulakenyong beatboxer na si Jessie Pascua a.k.a. ‘The Ihaws of Us’ sa naganap na “Versus: The Grandshowpresa” ng “It’s Showtime” noong Biyernes (Mayo 28).
Si Jessie ang piniling winner ng dalawa sa apat na hurado pagkatapos niyang pabilibin ang mga ito sa performance niya gamit ang iba’t ibang beatboxing techniques at pagpapatugtog ng harmonica.
Bilang grand champion, nag-uwi si Jessie ng P100,000 na may kasamang grand trophy. Nag-uwi naman ang kapwa niyang grand finalists na sina Christorpe Reeve (Jestoni Rubantes), Otso Gwapito (Jericho Ayala), at Siyam Milby (Larry Into) ng tig-P20,000.
Nagsilbing mga hurado sa grand finals sina Iza Calzado, Darren Espanto, AC Bonifacio, at Angelica Panganiban.
Tatlong buwang nagtagisan ang iba’t ibang contestants sa “Versus,” kung saan itinampok ang iba’t ibang kakayahan at kakaibang talento ng mga Pilipino para magbigay ng aliw sa madlang people.
Pagkatapos naman ng “Versus,” marami pang world-class performances ang itatampok sa “It’s Showtime” sa pagpapatuloy ng “Tawag ng Tanghalan” two-week quarterfinals ngayong Sabado sa pasiklaban nina Froilan Cedilla, Reiven Umali, at Josh Labing-isa para makuha ang isang pwesto sa semifinals. Manggagaling naman ang isa pang semifinalist sa theater actress na si Aixia Mallary, former service crew na si Kiro Remon, music school graduate na si Faye Yupano, online seller na si Erika Buensuceso, at estudyanteng si Psalm Manalo sa pagsasalpukan nila simula ngayong Lunes (Mayo 31).
Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel sa digital at free TV, Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.