News Releases

English | Tagalog

Fr. Tito Caluag, naglabas ng prayer guide book na “Only Your Grace”

June 01, 2021 AT 11 : 09 AM

"Only Your Grace's" 26-week prayer, reflection, and journaling activities aim to guide readers in discovering their own “style of prayer.”

Para sa mga gustong mahanap ang sariling ‘style’ sa pagdarasal
 
Inilunsad na ni Father Tito Caluag ang pinakabago niyang libro na “Only Your Grace,” na layuning tulungan ang mga tao na magkaroon ng mas personal na relasyon sa Diyos sa tulong ng mga dasal at reflection.
 
“Marami sa mga proseso sa libro ay nanggaling sa basic formation program na ginagawa namin para sa mga teacher. Maraming nagsasabi bakit hindi ko raw gawing libro para mas maraming tao ang makagamit nung proseso, ganun siya nagsimula,” kwento ni Father Tito.
 
Kumuha ng inspirasyon sa The Spiritual Exercises (SPEX) ni St. Ignatius of Loyola ang libro na una sa three-set volume na gagawin ni Father Tito tampok ang prayer at reflection exercises. Ang nakapaloob na prayer, reflection, at journaling activities sa libro sa loob ng 26 linggo ay gagabay sa mga Kristiyano na hanapin ang sarili nilang ‘style’ sa pagdarasal.
 
Mayroong limang chapter ang bagong handog ng ABS-CBN Books—isang chapter para sa paghahanda sa prayer journey, sa pag-alala sa iyong mga pangarap, sa self-awareness, pagkatuto sa kasalanan, pagpapatawad, at kalayaan, at huling chapter para sa pagkilala, pagsunod, at pagmamahal sa Diyos.
 
“Tingin ko lahat ng dasal dapat matulungan tayong malaman kung ano ang gusto ng Diyos na gawin natin, kung ano ang misyon natin. ‘Yan ang isa sa main goal, kung hindi man main goal ng libro—ang makatulong na malaman ang misyon mo. Pangalawa, sana makatulong din ang libro na ma-recover mo ng istorya mo, ang personal narrative mo. Para sa akin, malalaman natin ang misyon natin kung alam natin ang istorya natin,” dagdag ni Father Tito.
 
Opisyal nang inilunsad ang libro noong Linggo (May 30) tampok ang inspiring conversations ng author kasama sina Piolo Pascual, Chris Tiu, at Dingdong Dantes.
 
Bago ang “Only Your Grace,” inilabas din niya ang prayer/devotional book niyang “Give Thanks and Praise,” na nakatanggap ng special citation sa Best Special Feature category ng 42nd Catholic Mass Media Awards. Pwede pa ring mabili ang libro sa Lazada at Shopee sa halagang P225, habang ang e-book version nito ay mabibili sa Amazon, Kobo, Scribd, Barnes & Noble, at Smashwords.
 
Si Father Tito ay isang spiritual adviser at chaplain ng ABS-CBN na pinangungunahan ang “Kapamilya Daily Mass” at “Kapamilya Sunday Mass,” pati na ang lingguhang usapan na “Kapamilya Journeys of Hope.”
 
Palalimin ang iyong relasyon sa Diyos sa tulong ng “Only Your Grace” na mabibili na sa Shoppee at Lazada simula Miyerkules (June 2), myprayerchannel@gmail.com, at sa Viber (0945-3528731). Meron ding Kindle e-book version ang libro na mabibili sa Amazon. Panoorin ang “Kapamilya Daily Mass,” “Kapamilya Sunday Mass,” at “Kapamilya Journeys of Hope” sa My Prayer Channel sa Facebook o YouTube. Para sa iba pang detalye, sundan ang ABS-CBN Books sa Facebook (www.facebook.com/abscbnbooks) at Instagram (@abscbnbooks).