News Releases

English | Tagalog

iWantTFC, nangungunang free entertainment mobile app sa Pinas dahil sa "He's Into Her"

June 01, 2021 AT 07 : 57 PM

Over the weekend, iWantTFC became the top free entertainment mobile app in the country in both Google Play and the App Store as fans watched the premiere episode of “He’s Into Her,” which first became available last Friday (May 28).

Inabangan at tinutukan ng mga Pinoy ang simula ng seryeng “He’s Into Her” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano pagkatapos nitong humakot ng viewers sa iWantTFC at gawin itong numero unong free entertainment mobile app sa Pilipinas.

Noong weekend, nanguna ang iWantTFC sa listahan ng free entertainment mobile apps sa Google Play (Android) at App Store (iOs) sa bansa dahil sa panonood ng fans ng unang episode ng “He’s Into Her” na unang naging available noong Biyernes (Mayo 28).

Sa naturang araw, naitala rin ng “He’s Into Her” ang pinakamaraming users na sabay-sabay gumamit ng iWantTFC – doble sa daily average users nito – sa dami ng mga sumubaybay sa nakakakilig na unang pagkikita ng mga karakter nina Donny at Belle na sina Deib at Maxpein.

“He’s Into Her” na rin ang pinakapinapanood na show sa iWantTFC kahit wala pang isang linggong ipinalabas ang unang episode nito. Maingay ring sinalubong ng fans ang serye kaya naman nanguna sa trending topics sa Twitter Philippines ang hashtag na #HesIntoHerNOWSTREAMING.

Linggo-linggo, iWantTFC users sa buong mundo ang unang makakapanood ng bagong episodes ng “He’s Into Her” tuwing Biyernes, 8:45 PM (Manila time) – dalawang araw bago ipalabas ang mga ito sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live tuwing Linggo ng 8:45 PM.

Masusundan ng fans worldwide ang nakakakilig na kwento ng “He’s Into Her” at ang aso’t pusang samahan nina Deib at Maxpein na mauuwi sa pag-iibigan sa iWantTFC app (iOs at Android) o iwanttfc.com.

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.