Rejoice our freedom with an all-star party from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," live this Sunday, 12 NN
Abangan ang "Born To Win" performance ng BINI
Live na live nating ipagdiriwang ang kalayaan sa isang all-star party kasama ang inyong paboritong Kapamilya idols ngayong Linggo (Hunyo 13) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Taas-noong ipagmalaki ang Pinoy pride sa isang "Born To Win" performance mula sa all-girl P-Pop group na BINI, kasama sina Maymay Entrata at ASAP dance royalty Kim Chiu. Maki-sayaw rin kasama ang mga paborito ninyong dance idol na sina AC Bonifacio, Maris Racal, Enchong Dee, Christian Bables, Joao Constancia, Jameson Blake, Kyle Echarri, at Asia's Pop Heartthrob Darren.
Damhin ang pag-ibig sa kilig treats ng Kapamilya loveteams nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Rhys Miguel kasama si Kaori Oinuma, Joao Constancia at Criza Taa, at Edward Barber kasama si Maymay Entrata.
Abangan din ang welcome treat at birthday blowout ni Jayda. At mamangha rin sa transformation ng "Your Face Sounds Familiar" contenders na sina Vivoree Esclito, vocal trio iDolls, at Season 3 champion na si Klarisse de Guzman, kasama sina Nyoy Volante at Jed Madela.
Palaban naman ang kantahan sa ASAP stage, tulad ng pagsasanib-pwersa ng ASAP new gen divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, Zephanie, at Janine Berdin; at ang musical tapatan nina Angeline Quinto, Nina, Elaine Duran, Gigi de Llana, at Asia's Songbird Regine Velasquez.
Huwag palampasin ang engrandeng birthday celebration ng nag-iisang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, kasama ang mga finest OPM artist na sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Erik Santos, at Gary Valenciano sa "The Greatest Showdown."
Live na live ang ating kalayaan party ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.