Through his second full-length and first internationally promoted album, Inigo attempts to bring Original Pilipino Music (OPM) to the global stage.
Carrier single na “Neverland” hatid ng global hit producer na si HARV
Bibida na worldwide simula sa June 25 (Biyernes) ang inaabangang “Options” album ni Inigo Pascual, tampok ang 12 orihinal na kanta na layuning maipakilala ang tunog ng Original Pilipino Music (OPM) sa buong mundo.
Ini-record ni Inigo ang kanyang ikalawang full-length album at kauna-unahang international album kasama ang iba’t ibang producers at songwriters mula sa Manila at California sa loob ng dalawang taon.
Pangunahing konsepto ng “Options” album ang ‘self-discovery’ at paglalakbay ng isang tao sa mundong puno ng posibilidad. Maririnig dito ang pag-explore ni Inigo sa kanyang musika sa pamamagitan ng dance pop, island pop, dancehall, R&B, reggae, at acoustic tracks na ipinrodyus ng ABS-CBN Music label na Tarsier Records.
Carrier single naman ng album ang “Neverland” na ipinrodyus ng global hit producer na si Bernard “HARV” Harvey. Tinatalakay sa pop-R&B track ang pananatili sa ‘unknown’ kesa gumawa ng hakbang para maintindihan ang isang ‘di pangkaraniwang relasyon.
Kasama sa “Options” album ang mga nauna nang ini-release na single, ang title track na “Options,” “Danger” kasama ang Common Kings at si DJ Flict, “Should Be Me,” at ang mga kolaborasyon niya kasama si Tarsier Records label head Moophs na “Lost,” “Catching Feelings,” “Always,” at ang stripped version ng “OMW.”
I-pre-save na ang album ni Inigo na “Options,” na mapapakinggan na sa Spotify, Apple Music, Deezer, at iba pang digital music apps simula sa June 25 (Biyernes), at abangan ang premiere ng music video ng “Neverland” sa parehong araw sa YouTube channel ng Tarsier Records. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa mga social media accounts nito @tarsierrecords.