Bida ang masasayang livestream sa lumalaking Pinoy community platform
Mahigit isang milyong viewers na ang tumatangkilik sa channels ng Creative Programs, Inc. (CPI) sa Kumu. Nitong nakaraang 10 buwan ay inilunsad ng cable content at distribution company ng ABS-CBN ang FYE Channel, GKNB, MYX, at SeenZone sa lumalaking digital platform dala ang masasaya at nakaka-inspire na live content para sa mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Hatid ang pambansang game show na “Game KNB?” ni Robi Domingo, ang GKNB channel ay meron ng 325,000 followers na maaaring sumali sa paboritong trivia game at manalo ng papremyo araw-araw. Napapanood din ang programa sa Jeepney TV sa cable TV.
Meron na ring 294,000 followers ang FYE Channel na talaga namang kaabang-abang ang iba’t ibang entertainment, lifestyle, at current affairs programs. Patok sa FYE ang celebrity-oriented talk shows na “Metro Chats,” “Kumu Star Ka” ni Ahwel Paz, mga programang handog ng Cinema One na “PopCinema” nina Bianca Gonzalez at MJ Felipe at “The Best Talk” ni Boy Abunda, at pati na rin ang mga bagong handog nitong “Anong Meron, Chikkaness?” at “Showbiz Café.” Tampok rin sa FYE Channel ang mga programang “Anything K” ng TikTok star na si Kristy Cho at “Feel at Home” ni Chef Gene Gonzalez.
Hindi naman papahuli ang MYX Philippines @myxph na meron nang 259,000 followers kung saan mapapanood ang live gigs na hatid nito sa “MYX Pwestuhan” pati na rin ang kwelang dating game show na “MYX and Match” at ang “Kwentong Barber” ni Edward Barber.
Andyan din ang all-star, all-day tambayan channel na SeenZone na meron nang 148,000 followers sa ngayon na tinututukan ang hatid na live performances, educational shows, cooking tutorials, at iba pang handog ng bagong digital channel.
Makisaya na sa lumalaking kumunity at abangan ang inyong paboritong Kapamilya streamers sa iba’t ibang CPI channels. Magdownload na ng kumu app at sundan ang GKNB @gknb, FYE Channel (@fyechannel), MYX Philippines @myxph, at SeenZone @seenzonechannel.
Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.