News Releases

English | Tagalog

Jerry at Shen, todo ang pagpapakilig sa "Count Your Lucky Stars" finale week

June 22, 2021 AT 11 : 45 PM

Jerry Yan and Shen Yue will level up the kilig for all Filipino Asianovela fans who religiously followed their love story as Calvin and Andi in “Count Your Lucky Stars” that is now on its finale week on Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.

Tutukan ang kanilang love story sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel  
 

Sa finale week ng “Count Your Lucky Stars” ngayong linggo, itotodo na nina Jerry Yan at Shen Yue ang pagpapakilig sa mga sumubaybay sa love story nina Calvin at Andi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.  

Noong Lunes (Hunyo 21), isang matamis na halik ang sorpresang ibinigay ni Jerry Yan (Calvin) sa kasintahan nitong si Shen Yue (Andi) na nag-aalala sa kalagayan ng amang may gastric cancer.  

Hindi mapakali si Andi sa Fashion Cup dahil sa nalalapit na operasyon ng kanyang ama dahil baka raw siya pa ang magdala ng malas dito. Kaya naman naisipan ni Calvin na “ibalik” ang swerte sa kasintahan sa pamamagitan ng isang halik. Matatandaang mistulang nagkapalitan dati ng swerte ang dalawa dahil sa aksidente nilang kiss.   

Lubos naman itong kinagiliwan ng netizens. Ani YouTube user Ted Paulo Dela Cruz, kita sa serye kung bakit mahal na mahal ni Andi si Calvin.  

“Grabe kaya pala in love na in love si Andi kay Calvin eh. Maalaga si Calvin, thoughtful, handang mag-sacrifice.”  

Maging ang netizen na si Lourdes Jumawan humanga rin kay Calvin. “Ang bait ni Calvin, napaka-sweet at caring. Nakapa-selfless.”  

Samantala, natanggap na ni Francis na hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa kanya ni Andi at nangakong unti-unti nang lalayo sa dalagang minamahal. Ngunit si Alexa na baliw na baliw kay Calvin, ayaw pa rin tumigil sa mga balak para maghiwalay sina Calvin at Andi.    

May happy ending at swerte kaya sa buhay nina Calvin at Andi? Abangan ang iba pang exciting at nakakakilig na eksena sa huling linggo ng “Count Your Lucky Stars” tuwing 10 pm sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (Facebook at YouTube) A2Z (free TV), at TV5 (free TV).

Samantala, maaari pang mapanood ng libre ng mga nasa Pilipinas ang pinakabagong episodes ng “Count Your Lucky Stars” sa Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube sa loob ng pitong araw matapos ito unang i-stream. Sa iWantTFC naman mapapanood ang lahat ng episodes. 

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.