Star Pop's "Chill Guys" member Jose Vitug launched his debut solo single "Huling Yakap," a song about cherishing moments with loved ones.
Bilang kanyang debut solo single…
Mensahe ng pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay ang gustong iparating ng Star Pop artist na si Jose Vitug sa debut solo single niyang “
Huling Yakap.”
“Gusto kong maging reminder itong kanta para sa lahat na pahalagahan bawat moment na kasama natin ang mga mahal natin sa buhay dahil hindi natin alam kalian ang ‘huling yakap’ natin sa kanila,” aniya.
Si Jose ay isang 24-anyos na singer at musician na kabilang sa male trio ng Star pop na “Chill Guys” kasama sina Brian Gazmen at Bryce Manzano. Bilang grupo, ni-release nila ang single na “Ako Para Sa’yo” nitong 2021 at nag-cover din ng 2
nd Best Song sa HIMIG 11
th Edition na “Kahit Na Masungit.”
Ngayon, sasabak naman si Jose bilang isang solo artist sa acoustic track na “Huling Yakap,” na salamin ng nararamdaman ng songwriter at composer nitong si Melchizedek Lozarita II nang mamatay ang ama niya noong 2019.
“Hindi ko siya nayakap sa huling beses bago siya nawala, pero ngayon gagawin ko ang lahat para lang sa kahit isang segundo na mayakap siya ulit,” paliwanag niya.
Ang orihinal na bersyon ng “Huling Yakap” ay may English lyrics pero itrinanslate ito sa Filipino para mas personal ang dating. Si Star Pop label head Rox Santos ang nag-prodyus ng kanta na in-arrange naman ni Tommy Katigbak.
Iparamdam ang pagmamahal at pakinggan “Huling Yakap” sa
Star Music YouTube channel o sa
iba't ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (
www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).