New ABS-CBN Music label 7K Sounds seeks to champion the sounds of the more than 7,000 islands in the country.
ABS-CBN Music, 7K Sounds sanib-pwersa para mapalaganap ang tunog OPM
Ipinakilala na ng ABS-CBN Music ang bagong partner label nito na 7K Sounds na naglalayong higpit pang ipalaganap ang tunog OPM mula sa mahigit 7,000 isla ng bansa.
“7K Sounds is an exciting addition to our music labels, especially since ang main goal natin is to showcase that Filipino sound na mae-export natin sa global stage,” ayon kay ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.
Pinangungunahan ito ng CEO at singer-songwriter na si LA Santos na na-inspire sa foreign artists na talaga namang ipinagmamalaki ng kanilang home country dahil sa kanilang unique sounds. Nakikita rin niya ang label bilang platform kung saan pwedeng ibahagi ng mas marami pang Pinoy artists ang kanilang sarili sa pamamagitan ng iba’t ibang music genre.
“Higit pa sa pagiging music label, we are a group of dreamers striving to give others like us a platform where they can shine. Patuloy kaming maghahanap ng paraan para ibida ang kakayanan ng Filipino artists dahil naniniwala kami na we deserve to be heard,” aniya.
May good news rin si LA para sa kanyang fans dahil inilabas na niya ang bagong single na “
Gitna Ng Langit,” isang pop R&B song na nagsisilbing appreciation sa koneksyong nararamdaman kapiling ng minamahal. Kamakailan ay inilabas din niya ang kantang “
Hibang” mula sa 7K Sounds.
Ipinakilala rin ng rapper na si Big J o Jerson Sonza ang kanyang sophomore single mula sa nasabing label. May positibong mensahe ang kanyang hip-hop track na “
No Violence” na nababagay sa panahon ngayon. Kilala sa kanyang freestyle rapping at writing skills simula 2016, hatid ni Big J ang sariling kwento ng kahirapan sa kanyang mga kanta.
Bahagi rin ng 7K Sounds ang R&B at soul singer, model, at beauty queen na si Iman na nagwagi sa 2021 Ms. Kumu Global Pageant. Nagmula sa Academy of Rock Philippines, ngayon ay ipinapakilala na ni Iman ang kanyang debut single na “
Blackout,” isang experimental R&B and soul tune tungkol sa pag-ibig na ninanais nang makalimutan.
Nakatakda ring ilunsad ng 7K Sounds ang kantang “Posporo” na collaboration naman ng The Dawn at ni Sheryn Regis at Third Flo’. Susunod na rin ang single ni LA kasama ang CLR na “Anong Pangalan Mo” na maririnig sa Bb. Pilipinas pageant.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa 7K Sounds, sundan ang label sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube @7ksounds.