News Releases

English | Tagalog

Coco todo pasasalamat sa pagdami ng "FPJ's Ang Probinsyano" online viewers

June 04, 2021 AT 02 : 29 PM

Labis ang pasasalamat ni Coco Martin sa patuloy na pagdami ng mga sumusubaybay gabi-gabi sa pambansang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa YouTube sa Kapamilya Online Live ng ABS-CBN.
 
“Dahil po sa inyo, lalo po kaming ginaganahan magtrabaho kahit napakahirap ng sitwasyon ngayon because of COVID-19. Kapag naririnig namin na nandyan pa rin kayo para samahan kami gabi-gabi ay patuloy na nagpapalakas ng loob namin, kahit ano ang lungkot, hirap na pinagdadaanan namin ngayon. Kayo po ang nagbibigay ng lakas sa amin,” pahayag ni Coco sa isang “TV Patrol” report.
 
Walong magkakasunod na episodes nang sinira ng programa ang sarili nitong record ng pinakamaraming viewers na sabay-sabay na nanonoood sa Kapamilya Online Live sa YouTube.
 
Kagabi (Hunyo 3), nagtala ng 154,039 na live concurrent viewers ang programa na tumutok sa madugong pakikipaglaban ni Cardo (Coco), Lia (Jane De Leon), at Task Force Agila sa batalyon ni Renato (John Arcilla) na nauwi sa pagkakasawi nina Teddy (Joel Torre) at Virgie (Shamaine Buencamino).
 
Marami sa mga kasama ni Cardo ang sugatan ngunit matagumpay naman silang nakatakas mula kay Renato. Ngunit saan na sila pupunta ngayong wala na silang mababalikan at wanted pa rin sila ng batas?
 
Huwag palampasin ang mga maaaksyong eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abscbnpr.com.