Episode ni Francine, mapapanood na rin simula Hunyo 12
Maraming napulot na mahahalagang aral tungkol sa peligrong dulot ng labis na paggamit ng cellphone sa first episode ng digital anthology series na “Click, Like, Share” na pinagbibidahan ni Kyle Echarri at napapanood sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, at Upstream.
Sa episode ni Kyle na “Reroute,” trahedya ang naging kapalit ng araw-araw na paggamit ni Brennan (Kyle) sa kinakaadikan niyang app na sumira pa sa relasyon nila ng kanyang girlfriend (Danica Ontengco). Pinuri ng mga manonood ang napapanahong kwento na lalong nagbigay-diin sa maaaring mangyari kapag inabuso ang paggamit ng social media.
“Sobrang ganda at ang galing mo doon. Ibang @kyle_echarri ang napanood namin. Natutunan ko na dapat pahalagahan natin ‘yung moments kasama ang mga tao sa life natin kesa lagi tayo naka-cellphone kasi hindi natin alam kung hanggang kailan natin sila makakasama,” sabi ni Twitter user @sheerrryyy.
Para naman kay @e_fanacc, “Reroute made me realize that the internet and social media world will control our lives once we allow it to do so. Kaya huwag nating hayaan na ma-control tayo nito. Let’s learn how to connect with real people.”
“#Reroute is somehow a glimpse of our future. With new technological discoveries and advancement hindi malabong mangyari na we’ll live in a society controlled by technology kaya it’s very important to put boundaries especially on how we use our devices, even social media platforms. Proud of you,” saad naman ni @kjpechawii_.
Tampok naman ang kwento ni Francine Diaz kasama si Renshi de Guzman sa susunod na episode na “Cancelledt” na ipapalabas na rin ngayong Sabado (Hunyo 12) ng 6 PM. Dito, haharap sa sari-saring panganib ang karakter ni Francine dahil sa kagustuhan niyang maging sikat sa social media.
Bumili na ng season pass para mapapanood ang “Reroute” at ang tatlo pang episodes na “Cancelledt” sa Hunyo 12, “Trending” ni Seth Fedelin sa Hunyo 19, “Poser” ni Andrea Brillantes sa Hunyo 26 sa KTX.ph (P299), iWantTFC (P299 sa Pilipinas o US$5.99 sa labas ng Pilipinas), TFC IPTV (US$5.99), o Upstream (P299 sa Pilipinas o US$5.99 sa labas ng Pilipinas).
Ang digital anthology series ay mula sa direksyon ni Emmanuel Q. Palo at produksyon ng iWantTFC at ABS-CBN Entertainment kasama ang Dreamscape Entertainment at Kreativ Den.
Abangan ang susunod na episode ng “Click, Like, Share” sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, at Upstream ngayong Hunyo 12. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.