Along with his jaw-dropping vocal prowess and hip moves, Darren promises never-before-seen song numbers that will make him soar to greater heights.
Tampok ang bago niyang kanta tungkol sa bigong pag-ibig
Handa nang ipamalas ni Darren Espanto ang kanyang transformation bilang singer-performer sa mas palabang song numbers na bibida sa comeback concert niyang "Home Run," na mapapanood na worldwide sa June 19 (Sabado) at may rerun sa June 20 (Linggo) sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV.
“It's called ‘Darren Home Run’ because in the past 7 years parang naikot ko na po lahat ng bases in the music/concert scene in the Philippines. So it's kind of like I hit a home run in this show. I just came back from Canada so I'm very excited,” ani Darren.
Naka-schedule dapat noong May 30 at 31 ang “Darren Home Run: The Comeback Concert” pero na-postpone ito dahil na-expose si Darren sa isang COVID-19 patient. Ngayon, all systems go na para sa kauna-unahan niyang major solo virtual concert na bonggang pasabog ng ABS-CBN Events at MCA Music.
Sasailalim ang concert sa direksyon ni Paolo Valenciano. Si Jon Moll naman ang mangunguna sa TV direction, si Soc Mina sa musical direction habang ang D Grind naman ang nag-choreograph ng mga performance sa show.
“Ito na ‘yung pinakamalaking virtual concert na gagawin ko. Karamihan sa mga kanta na napili ko para sa setlist ng concert ay malapit sa puso ko saka may relation sa showbiz journey ko,” paliwanag ni Darren.
Pagkatapos ipagdiwang ang kanyang 20
th birthday noong May 24, handa na ngang ipakita ni Darren ang natatanging talento sa pagkanta at pagsayaw sa sorpresang performances kabilang na ang inaabangang pag-awit niya ng kanyang latest single na "Tama Na."
Tungkol ang kanta sa unrequited love at pagkakaroon ng tapang na iwan ang isang one-sided na relasyon. Ani Darren, nagustuhan niya agad ito unang rinig niya pa lang. "It’s a sound that people haven’t heard from me before and it’s also a genre I’ve always wanted to try.”
Pwede pa ring bumili ng tickets para sa “Darren Home Run: The Comeback Concert” sa
KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV. Mabibili ang VIP tickets sa halagang P1,500 na magagamit sa June 19 live show sa KTX.ph at may exclusive access sa Zoom party kasama si Darren. P699 naman ang regular tickets.
Maaari ring ma-experience ng SKYcable subscribers ang high-definition at commercial-free viewing ng buong concert sa pamamagitan ng SKY Pay-Per-View sa June 19 (Sabado) 8 pm sa halagang P699. Bisitahin ang
mysky.com.ph/skyppv o i-text ang SKY PPV <Account No.> at ipadala sa 23662 para makuha ang pay-per-view passes.
Bumili na ng ticket para sa "
Home Run" concert ni Darren ngayong 8 pm, June 19 (Sabado) at may re-run kinabukasan (June 20), 10 am sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV, at pakinggan ang bago niyang single na “
Tama Na” sa iba't ibang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (
www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).