“Ang Babaeng Walang Pakiramdam” and “Kaka” are also available worldwide!
Patuloy na hinahatid ng iWantTFC ang pinakamalalaking pelikula sa mga Pilipino kabilang na ang tatlong bagong South Korean films na “Deliver Us From Evil,” “The Box,” at “Mission: Possible” na mapapanood sa Pilipinas sa halagang P249 lamang.
Mapapanood ang award-winning action film na “Deliver Us From Evil” na pinagbibidahan nina Hwang Jung-min at Lee Jung Jae, dalawa sa pinakasikat na movie stars sa Korea. Susundan nito ang kwento ng isang paretirong assassin na tutugisin ng kapatid ng isang taong pinatay niya noon.
Samahan si Chanyeol ng grupong EXO sa musical na “The Box,” kung saan gaganap siyang bilang isang aspiring singer na makaka-road trip ang isang laos na music producer (Cho Dal-hwan) para makilala ang sarili at ang mga natitira nilang pangarap sa buhay.
Aksyon at katatawanan naman ang matatagpuan sa “Mission: Possible,” kung saan iimbestigahan nina Lee Sun-bin at Kim Young-kwang ang isang gun-smuggling syndicate sa Korea hanggang sa sila ang iturong mga suspek sa krimen.
Mapapanood din sa iWantTFC sa buong mundo ang tatlong Pinoy films na “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” at “Kaka” (P249 o US$4.99) at barkada movie na “G!” (P149 o US$2.99).
Hagalpakan sa kilig at tawa ang makukuha sa “Ang Babaeng Walang Pakiramdam,” ang unang pelikula ng real-life couple na sina Kim Molina and Jerald Napoles na mapapanood simula Hunyo 11. Lumaking walang nararamdamang sakit sa katawan o puso si Tasha (Kim), ngunit magbabago ang lahat ng ito kapag nakilala niya si Ngongo (Jerald).
Patuloy ring napapanood sa iWantTFC ang “Kaka,” na pinagibidahan nina Jerald, Ion Perez, at Sunshine Guimary tungkol sa isang DJ na gagawing misyon ang makaranas ng sarap sa sex.
Iba’t ibang aral naman tungkol sa pag-ibig, buhay, at pagkakaibigan ang ituturo nina McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles, at Mark Oblea sa “G!” tungkol sa road trip ng mga magkakaibigan pagkatapos ma-diagnose ng cancer ang isa sa kanila.
Samantala, napapanood pa rin sa buong mundo ang comedy movies na “Momshies: Ang Soul Mo’y Akin” (P249 or US$4.99) nina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros at “Mommy Issues” nina Sue Ramirez, Pokwang, at Gloria Diaz (P250 or US$4.99). Extended din ang pagpapalabas ng “Hello Stranger: The Movie” (P199 o US$3.99) worldwide hanggang Hunyo 28, pati na “Death of Nintendo,” “Oda sa Wala,” at “Motel Acacia” sa three-in-one “Black Pack” promo ng Black Sheep (P300) sa Pilipinas hanggang Hunyo 23.
Sa halagang P299 o US$5.99, makakakuha rin ng season pass ang iWantTFC users para mapanood ang apat na episodes ng “Click, Like, Share,” ang bagong anthology series nina Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes tungkol sa responsableng paggamit ng social media.
Huwag palampasin ang mga pelikula at concerts na ito sa iWantTFC app (iOs and Android) o pumunta sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.