News Releases

English | Tagalog

P1 milyon pwedeng mapanalunan sa “Game KNB?” simula June 25

June 09, 2021 AT 09 : 55 AM

The combined cash prize amounting to P1.6 million is the highest prize money in any kumu program to date.

“Game KNB?” may paparating na bigating papremyo!
 
Tuloy-tuloy ang saya at malalaking papremyo ng “Game KNB?” hatid ng Jeepney TV at kumu para sa mga Pilipino worldwide dahil pwedeng manalo ng hanggang P1 milyon ang mga sasali sa pambansang game show simula sa June 25 (Biyernes).
 
Sa “Game KNB’s Road to P1 Million” campaign, mas pinalaki ang P10,000 daily cash prize na paghahatian ng mga player na makakasagot nang tama sa limang trivia-based questions sa ‘Pili-Pinas’ segment. Kada Biyernes simula June 25, pwedeng manalo ang mga sasali ng hanggang P100,000.
 
Mas lalaki pa ang papremyo sa mga susunod na Biyernes, kung saan pwedeng manalo ng hanggang P200,000 cash prize ang mga maglalaro sa July 2, hanggang P300,000 sa July 9, at hanggang isang milyon sa July 16. Diretso nang papasok sa kumu app wallet ng mananalo ang premyo.
 

Ang pinagsama-samang cash prize na aabot sa halagang P1.6 million ang pinakamalaking prize money na pwedeng mapanalunan sa kumu. Nagsisilbi rin itong malaking pasasalamat sa higit isang milyong manonood na tumatangkilik sa Kapamilya channels na hatid ng Creative Programs, Inc. (CPI) sa nasabing Pinoy livestreaming platform, kabilang na ang GKNB @gknb na may halos 341,000 followers na sa kasalukuyan.  
 
Bukod sa #GKNB1MGiveaway, pwede rin manalo ng papremyo ang kumu-nity sa segment na ‘Robi, Game KNB?’ kung saan ang unang makakasagot nang tama sa Question of the Day ay mananalo ng 10,000 kumu coins mula Lunes hanggang Huwebes at 50,000 kumu coins kada Biyernes.
 
Nasa ikatlong season na ngayon ang “Game KNB?” kasama ang host nitong si Robi Domingo, na araw-araw napapanood 12 nn sa @gknb sa kumu, at may simulcast din sa Jeepney TV sa cable at sa Facebook page nito, pati sa TFC IPTV at MYX Global.
 
Tutok na sa #GKNBSeason3 para manalo nang hanggang P1 milyon. I-download na ang kumu app at sundan ang @gknb. Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter atInstagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE