Sumabog ang social media nitong nakaraang Linggo (July 11) sa mga mensahe ng pagmamahal at suporta para sa "ASAP Natin 'To" matapos magtrend at humakot ng higit sa 327,000 tweets ang official hashtag nitong #ASAPKapamilyaForever para sa sa engrandeng thanksgiving celebration nito para sa mga Kapamilya matapos ang walang-sawang pagsuporta nila para sa ABS-CBN sa kabila ng mga hamong hinarap nito sa nakaraang taon.
Ito ay sa kabila pa ng ibang trending topics sa social media—nationwide at worldwide, katulad ng tambalang "DonBelle" nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Gold Squad loveteams na "KyCine" nina Kyle Echarri at Francine Diaz at "SethDrea" nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes; pati na ang pagbabalik nina Liza Soberano, Enrique Gil, at Daniel Padilla sa ASAP stage.
Sa ilalim ng inilunsad na "Andito Kami Dahil sa Inyo" campaign, pinagtipon-tipon ng "ASAP Natin 'To" ang mga naglalakihang artista sa industriya para magbigay pasasalamat sa bawat Pilipino saan mang dako ng mundo.
Malaking opening number ang sumalubong sa viewers dahil sunod-sunod na lumabas ang naglalakihang Kapamilya stars para awitin ang kantang "Kapamilya Forever." Kasama dito sina Vice Ganda, Daniel Padilla, Joshua Garcia, Donny Pangilinan, Belle Mariano, The Gold Squad, Erich Gonzales, Dimples Romana, Iza Calzado, Jake Cuenca, Kim Chiu, Luis Manzano, Robi Domingo, Jane Oineza, Heaven Peralejo, Sue Ramirez, Maris Racal, Charlie Dizon, Jameson Blake, Elmo Magalona, Jeremiah Lisbo, JC Alcantara, Joao Constancia, Criza Taa, Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Daniela Stranner, Vivoree Esclito, AC Bonifacio, Ronnie Alonte, Janella Salvador, Enchong Dee, Dominic Ochoa, RK Bagatsing, Matet de Leon, Shaina Magdayao, Jane de Leon, Angel Aquino, Karla Estrada, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at ang kilalang love team nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Hindi rin nagpahuli noong Linggo ang mga ASAP idol na sina KZ, Bamboo, Darren, Inigo Pascual, iDolls, BINI, KD Estrada, Anji Salvacion, Diego Gutierrez, Sam Cruz, Angela Ken, Janine Berdin, Elha Nympha, Sheena Belarmino, Zephanie, Gigi de Lana, Lara Maigue, Elaine Duran, Rachel Alejandro, Klarisse de Guzman, Jed Madela, Nyoy Volante, Erik Santos, Angeline Quinto, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Gary Valenciano.
Isa sa tinutukan ng mga manonood ay ang makabagbag-damdaming musical number ni Vice Ganda, na umawit ng "Anong Nangyari sa Ating Dalawa" ni Ice Seguerra. Kanyang iniba nang bahagya ang lyrics nito para bigyang pugay at pasasalamat ang bawat Pilipinong sumusuporta sa ABS-CBN. Naglaan din siya ng mensahe para sa mga Kapamilya.
"Kapamilya, ano man ang mangyari, sama-sama tayong aahon. Makikita natin ang kagandahan ng ating pag-ahon at paglipad. Patuloy nating itataas ang isa’t isa at sabay-sabay nating haharapin ang bukas. Andito po kami dahil sa inyo. At maraming, maraming, maraming salamat po dahil nandiyan pa rin kayo palagi para sa amin," saad ni Vice.
"Mga Kapamilya, andito kami para sa inyo. Tuloy ang serbisyo natin sa bawat Pilipino. Tuloy ang paghahatid ng kwento tungkol at para sa mga kapamilya ninyo. Marami man ang pagsubok, mas marami kaming dahilan upang patuloy kaming magpasa ng liwanag at ligaya," sinabi naman ni Daniel Padilla.
Highlight din ng programa ang paghandog ng mga OPM icon sa mga tagasubaybay ng mga awiting pasasalamat at ang ASAP exclusive performance ng bandang Coldplay.
Nagbigay din ng mensahe ang ilan pang mga Kapamilya star para sa mga taos-pusong sumusuporta sa ABS-CBN.
"Like I said, kayo ang totoong Kapamilya, and that's why we're here because we want to be part of that family. Thank you for the love and support, and kahit saan kami sumulpot, doon niyo kami pinapanood," ika ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez.
"I think sa ngayon, 'yung suportang kinukuha namin sa lahat ng mga Kapamilya namin na nanonood sa amin at sumusuporta, talagang nagpapatunay na marami talaga ang nakita ang ABS-CBN for what it is. It's not just entertainment, but it's more for being in the service of the Filipino," sabi naman ng ASAP mainstay na si Gary Valenciano.
Maliban sa kanila, marami pang ABS-CBN artists ang nag-abot ng pasasalamat sa mga Kapamilya, tulad nina "It's Showtime" hosts Vhong Navarro, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Ryan Bang, "Marry Me, Marry You" stars Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Vina Morales, Cherry Pie Picache, at Sunshine Dizon, at "Init sa Magdamag" lead actors Yam Concepcion, JM de Guzman, and Gerald Anderson Charo Santos-Concio, Judy Ann Santos-Agoncillo, Angel Locsin, Boy Abunda, Martin Nievera, Angelica Panganiban, Toni Gonzaga, Zanjoe Marudo, Kathryn Bernardo, Coco Martin, Piolo Pascual, at Sarah Geronimo.
"Kapamilya, thank you for continuing to let us into your homes through all the different available platforms even if we face a lot of hardships and difficulties last year. Your support and trust will always be our inspiration for us to continue to be in service of the Filipino. Maraming Salamat po. I'll see you soon," ika ni Piolo.
"Mga Kapamilya,andito pa rin ang ating pamilya dahil hindi nagbabago ang pagmamahal natin sa isa't isa. Hindi kami magsasawang paulit-ulit kayong pasalamatan dahil paulit-ulit niyo ring pinatutunayan na ang Kapamilya hindi nag-iiwanan. Mahal na mahal po namin kayo," pahayag naman ni Sarah sa mga Kapamilya.
Patuloy na pakatutukan ang mga world-class performance sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," tuwing Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.