Makisalo ulit sa pinakamasaya, pinakamagulo, at pinakamalaking kasalan noong 2006 sa paghahandog ng ABS-CBN Film Restoration ng digitally restored at remastered version ng Star Cinema hit na "Kasal, Kasali, Kasalo," na pinagbidahan ng mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, sa Sagip Pelikula Festival ng KTX simula Hulyo 15 (Huwebes).
Mula sa orihinal na panulat at direksyon ni Jose Javier Reyes at hango sa screenplay ni Mary Ann Bautista, tampok ang kakaibang pag-iibigan nina Angie at Jed (Judy Ann at Ryan) at kung paano sila humantong sa kasalan.
Pero hindi magiging madali ang mga paghahanda sa kanilang pag-iisang dibdib dahil sa gulong nakaambang mula sa kani-kanilang mga biyenan. Maliban pa roon, masusubukan din sina Angie at Jed sa kanilang buhay mag-asawa habang hinihintay ang pagsilang ng kanilang sanggol.
Kasama rin dito nina Juday at Ryan sina Gina Pareño, Gloria Diaz, Ariel Ureta, Soliman Cruz, Kat Alano, Tuesday Vargas, Lui Villaruz, AJ Perez, Juliana Palermo, at Derek Ramsay. Kinilala rin noon ang nasabing pelikula mula sa iba't ibang award-giving bodies, tulad ng 2006 Metro Manila Film Festival, 23rd PMPC Star Awards for Movies, 55th FAMAS Awards, at iba pa.
Huwag palampasin ang premiere ng digitally restored at remastered version ng romantic-comedy hit na "Kasal, Kasali, Kasalo" ngayong Hulyo 15, 7:30 ng gabi, sa KTX.ph. Abangan din ang pre-show nito, tampok sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, at Direk Jose Javier Reyes. Mabibili na ang mga ticket nito sa https://bit.ly/KKKonKTX sa halagang P150.
Maliban sa "Kasal, Kasali, Kasalo," mapapanood din ang ilan pang classic hits sa Sagip Pelikula Festival ng KTX, tulad ng "Sakal, Sakali, Saklolo," "Isusumbong Kita sa Tatay Ko," "Muling Ibalik ang Tamis ng Pag-ibig," "Bakit 'Di Totohanin," "Pare Ko," "Hataw Na," "Radio Romance," at "May Minamahal" simula Hulyo 16 (Biyernes).
Kamakailan ay ipinagdiwang ng ABS-CBN Film Restoration ang ika-10 taon nito ng pagsagip ng mga natatanging pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng proyekto nitong Sagip Pelikula. Dahil dito, kinilala na ng ilang award-giving body ang inisyatibo nito, tulad nalang ng makatanggap ito ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators (IABC), at ng Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).
Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa "Sagip Pelikula," i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).