News Releases

English | Tagalog

“Game KNB?” magpapamigay ng P1 milyon ngayong Biyernes

July 13, 2021 AT 11 : 12 AM

Aabot sa P1 milyong cash prize ang pwedeng mapanalunan ng maswerteng players sa paglalaro sa “Game KNB?” ng Jeepney TV sa season 3 finale episode nito ngayong Biyernes (July 16) sa kumu, na pagtatapos na rin ng “Road to 1 Million” campaign ng interactive game show.

“Abangan dahil magle-level up tayo this Friday! Ang papremyo natin ay tumataginting na P1 million, back-to-back-to-back-to-back all Fridays kaya ipabalita niyo na sa lahat ng mga Kapamilya at kumunizen ang naglalakihan nating premyo,” patikim ng game master na si Robi Domingo.

Sa July 9 episode, 153 players ang nakasagot nang tama sa lahat ng trivia-based questions tungkol sa nutrisyon at human body sa “Pili-Pinas” segment. Paghahatian nila ang total jackpot money na P300,000.

Bukod sa cash prize, nanalo rin ng 50,000 kumu coins ang isang kumunizen na unang nakapag-send ng tamang sagot sa ‘Question of the Day’ na may kinalaman sa ginawang challenge ni Robi sa “Robi, Game KNB?” segment.

Napanood din sa #300KNaGameKNB episode ang tier 3 winners ng “GKNB mag-co-host with Robi?” campaign na sina Alfie Delos Reyes (@kuysfm) mula Taguig City, Ristichen (@ristichen) mula Tagaytay, Cavite, at Alvin Salazar @alvinsalazar mula Riyadh, Saudi Arabia—na nagbigay ng clues para sa tamang sagot sa mga tanong.

Noong mga nakaraang Biyernes, namigay ang “Road to 1 Million” campaign ng “Game KNB?” ng aabot sa P100,000 (June 25) at hanggang P200,000 (July 2) sa mga nanalong players. Ang overall cash prize na P1.6 milyon ang pinakamalaki sa anumang programa sa kumu sa ngayon, at inilunsad ito bilang pasasalamat dahil kamakailan lang ay umabot na sa mahigit isang milyon ang followers ng mga channel ng Creative Programs, Inc. (CPI) sa kumu.

Subukan na ang talino mo at manalo ng papremyo sa paglalaro sa “Game KNB?,” na mapapanood 12nn araw-araw sa @gknb sa kumu at may simulcast sa Jeepney TV sa cable at sa Jeepney TV Facebook page pati na sa TFC IPTV at myx Global.

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE