Talagang jampacked ang Kapamilya celebration sa "ASAP Natin 'To" dahil sa mga pasabog na performance tulad ng transformation ng mga kinagigiliwang diva, all-star collabs, at iba pa, ngayong Linggo (Hulyo 25) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Humandang mamangha sa transformation ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, kasama ang new-gen divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, Zephanie, at Janine Berdin bilang international showstoppers na sina Shakira, Mya, Lil' Kim, Christina Aguilera at Pink sa "ASAP Transformation."
Makisali naman sa masayang finale celebration ng most-watched iWantTFC original series "He's Into Her" kasama sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Criza Taa, Joao Constancia, Vivoree Esclito, Jeremiah Lisbo, Ashley del Mundo, Gello Marquez, Sophie Reyes, Dalia Verde, at Limer Veloso.
Abangan din ang mga all-star collab mula sa mga paborito ninyong OPM artist, tulad ng senti kantahan nina Kyle Echarri, Asia's Pop Heartthrob Darren, at Ben&Ben; at isang bonggang trio songwriter performance mula kina Moira dela Torre, Nyoy Volante, at Pinoy hitmaker Ogie Alcasid.
May single launch naman sa ASAP stage si Iñigo Pascual, kasabay ang dance hottie na si AC Bonifacio, at patuloy na pagdiwang ang Pinoy pride kasama ang BINI.
May engrandeng SB19 hits biritan naman na sasalubong sa mga manonood mula sa bigating divas sa bansa na sina Zsa Zsa Padilla, Rachel Alejandro, Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Nina, at Gigi de Lana.
At maki-awit naman sa paborito ninyong OPM covers mula kina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Gary Valenciano sa "The Greatest Showdown."
Talagang kaabang-abang ang showstopping show na ito ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.