Visit and subscribe to YeY's official YouTube channel at youtube.com/yeychannel
Full episodes ng 'Team Yey' at marami pa mapapanood
Patuloy pa rin sa pagbibigay saya sa bawat bata ang YeY matapos umabot sa mahigit 1 milyon ang subscribers sa official YouTube channel nito, hatid ang mga paboritong Kapamilya kiddie shows, katulad ng "Team YeY," at iba pa.
Handog sa mga chikiting ang mga episode highlights ng mga paborito nilang classic Kapamilya shows, kabilang ang "Super Inggo," "Pedro Penduko," "Lastikman," "My Little Juan," at "Wansapanataym."
Maliban pa riyan, mapapanood din ang mga masasayang activity ng "Team YeY" mula season 1 hanggang 5 na may kasama pang English subtitles.
Marami pang mga pambatang videos na hitik sa saya at aral ang handog ng YeY sa bawat bata, kabilang na ang mga nakamamanghang trivia sa "Kaalaman Express," buwanang birthday greetings para sa mga manonood nito sa "Happy BirthYeY Shout-out," mga nakatutuwang joke sa "Tawa Time," at ang bagong digital exclusive nito na "Buzz in the Box" tampok ang unboxing ng mga pinakabago at kinagigiliwang laruan ngayon.
Maaari nang mapanood ng mga chikiting kahit saan at kahit kalian ang mga programang ito sa official YouTube channel ng YeY. Bisitahin at mag-subscribe lamang sa youtube.com/yeychannel para makanood at maging updated sa bagong videos nito.
Para sa iba pang exciting content, events at promos nito, bisitahin lamang ang YeY sa Facebook (fb.com/yeychannel), Instagram (@yeychannel), TikTok (@yey.channel), at YouTube account nito. Mapapanood din ng mga bata ang mga paborito nilang YeY show sa Just Love Kids website ng ABS-CBN Entertainment sa ent.abs-cbn.com/justlovekids.
Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook, Twitter at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.