News Releases

English | Tagalog

Jane, pinagselosan ang kapatid kay Coco sa "FPJ's Ang Probinsyano"

July 08, 2021 AT 02 : 13 PM

May selosang nagaganap!

Natutuwa at kinikilig ang netizens sa tila namumuong bagong love triangle sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

 

Mukhang pinagseselosan kasi ni Lia (Jane De Leon) ang unti-unting pagkakalapit ng ate niyang si Audrey (Aya Fernandez) kay Cardo (Coco Martin). Umamin din si Audrey kay Lia na unang beses siyang nakaramdam ng matinding paghanga sa isang lalaki dahil nakikita niya ang kabutihan ng loob ni Cardo at pagmamahal para sa pamilya.

 

Dahil dito, todo-komento tuloy ang netizens sa YouTube kung sino sa tingin nila sa dalawang magkapatid ang karapat-dapat na ibigin ni Cardo.

 

Para kay Yonasleah Lataban, “Cardo, please lang kay Dra. Audrey ka na. Kung iibig ka rin lang ulit para maiba naman flow ng buhay pag ibig mo.”

 

Sabi naman ni Jun Sanc, “Ang galing maglahad ng nararamdaman si Audrey, habang ang kapatid niyang si Lia ramdam ang sobrang selos. Sinuman sa kanila ay pwede kay Cardo. Kailangan isa sa kanila magparaya.”

 

“’Yung galaw ng mga mata ni Lia selos ang sinasabi. Same sa galaw ng mga labi niya,” ani Kwank Seo, habang sabi naman ni AJ Pantasan, “Nakakakilig pagmasdan ang pagseselos ni Capt. Lia.”

 

Tila lumalambot na rin ang puso ni Cardo dahil pinayagan na niya ang magkapatid na bumalik sa trabaho – si Audrey sa ospital at si Lia naman sa Black Ops. Ito ay matapos magkasundo sina Lia at Cardo na titigil muna ang Task Force Agila sa pagtugis ng mga kasamahan ni Lia hangga’t nasa pamamahay niya sila.

 

Pero ang hindi naman alam ni Lia, magpapanggap lamang si Cardo na susundin niya ang pangako niya dahil buo pa rin ang plano niyang hulihin ang Black Ops at maghiganti sa kanila.

 

Huwag palampasin ang mga maaaksyong eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abscbnpr.com.