Nakakuha ng nominasyon ang Kapamilya teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” bilang Best Drama Series/Telefilm Made for a Single Asian Market sa prestihiyosong ContentAsia Awards 2021.
Makakatapat ng inspirational teleserye ang iba pang apat na nominadong programa mula sa Asya. Papangalan naman ang winner sa isang virtual ceremony sa Agosto 27 base sa kahalagahan at pagiging akma nito sa mga manonood sa Pilipinas.
Ang ContentAsia Awards ay inoorganisa ng ContentAsia, isang nangungunang information resource na nag-uulat tungkol sa entertainment media industry sa buong Asia-Pacific region.
Sinusundan ng “Huwag Kang Mangamba” ang kwento ng magkapatid na Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) at ang misyon nila para kay Bro na muling mapatayo ang simbahan sa bayan ng Hermoso. Sa pamamagitan ng kwentong ito, layunin ng seryeng iparating sa mga manonood na hindi sila kailanman nag-iisa at sa iba-ibang paraan ipinapakita ni Bro ang pagmamahal Niya araw-araw.
Sa pagpapatuloy ng kwento ng “Huwag Kang Mangamba” ngayong linggo, magsisimula nang hanapin ng magkapatid ang nawawalang anak ni Barang (Sylvia Sanchez) matapos itong ilagay sa isang mental facility. Patuloy naman ang masasamang balak ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) dahil sisimulan na niya ang pagpapatayo ng kanyang healing dome.
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.