Kwento ang kanilang pagmamahalan sa “Simula” playlist
“
Dodong” at “
Inday” ang titulo ng mga bagong kantang inilabas ng mag-asawang singers na sina KZ Tandingan at TJ Monterde, awiting Bisaya na naglalarawan ng pag-ibig nila sa isa’t isa.
Kaiba sa karaniwang tunog ni KZ, isang lullaby ang “
Dodong” na hatid ang pasasalamat ni KZ para kay TJ. Tampok din dito ang mensahe ng pagmamahal kahit na ano pa man daw ang dumating sa kanilang buhay mag-asawa.
“Isinulat ko ang ‘Dodong’ two years ago. First time kong sumulat ng Bisaya lullaby pero ‘di ko naisip na i-release ito. Kanta ito para kay TJ na pwede niyang pakinggan kapag nahihirapan siyang makatulog,” ani KZ.
Sa kabila ng alinlangan niyang ilabas ang kanta, na-convince naman ang Kapamilya singer ni TJ na nagsabing huwag mag-alala at magsusulat din siya ng awiting “Inday” para hindi mag-isang ilalabas ang kantang “Dodong.”
Ayon naman kay TJ, ginawa niya ang “Inday” bilang “song of reassurance” para sa nag-iisang Inday sa buhay niya na si KZ.
Bahagi na ang “Dodong” at “Inday” ng
“Simula” playlist na napapakinggan ngayon sa Star Music YouTube channel.
Tampok din sa nasabing playlist ang “Can’t Wait To Say I Do” at “Simula,” song collabs ng dalawa pagkatapos nilang ikasal noong 2020.
Kapwa talentado at multi-awarded singers ang Bisaya couple. Nagmula ang Star Music artist na si KZ sa Davao del Sur, habang si TJ na recording artist ng PolyEast Records ay mula naman sa Cagayan de Oro.
Pakinggan ang kwentong pag-ibig na hatid ng “
Dodong” at “
Inday” at panoorin ang “
Simula” playlist sa YouTube. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (
www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).
Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (
www.facebook.com/abscbnpr), Twitter, TikTok, at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.