The Inspirational Diva and Catholic Mass Media Awards Hall of Famer believes that the new version will inspire millions of Filipinos and give a ray of hope in these crucial times.
Praise song na “We Give Our Yes” may Tagalog version na
Naniniwala ang tinaguriang Inspirational Diva na si Jamie Rivera na may hatid na inspirasyon at pag-asa sa mga Pilipino sa kabila ng sunod-sunod na hamon sa buhay ang bago niyang kanta na pinamagatang “Awit ng Misyon.”
Ito ang Tagalog version ng praise song na “We Give Our Yes” na mapapakinggan na simula Biyernes (September 3).
Aniya, “Hope can come in many forms, a smile, your pets, your plants, your family, beautiful sunrise, amazing sceneries, and your faith. When times get rough, hope is essential to keep our heads up and battle out life’s challenges.”
Si Jamie na kamakailan ay kinilalang Catholic Mass Media Awards Hall of Famer ang siya ring umawit ng “We Give Our Yes” na mission song ng kasalukuyang pagdiriwang ng ‘500 Years of Christianity in the Philippines.’
Ang “We Give Our Yes” composer na si Fr. Carlo Magno Marcelo ang siya ring sumulat ng “Awit ng Misyon” kasama si Quiapo Church Rector Msgr. Hernando Coronel. Iprinodyus naman ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang kanta at ilulunsad sa ilalim ng Star Music sa pakikipag-ugnayan sa Archdiocese of Manila.
Unang kinomisyon ang kantang “We Give Our Yes” ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa pag-alala sa ika-500 taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa. Nagbabalik-tanaw ito sa biyaya na pumasok sa bansa at nagsisilbing paalala rin na na patuloy na mag-‘yes’ sa misyong kinakaharap.
Kumuha ng lakas at inspirasyon sa kantang “Awit ng Misyon,” na maririnig na sa iba’t ibang digital music streaming platforms simula Biyernes (September 3). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter atInstagram (@StarMusicPH).