Originally popularized by Evelyn Bacarra, “Ulahi Na Ang Pagbasol Ko” means ‘it’s too late for me to blame.’
Kervin Kane, may bagong Bisaya remake!
Binigyang-buhay ng pop rock Cebuano singer na si Kervin Kane ang classic Bisaya song na “Ulahi Na Ang Pagbasol Ko.”
Si Evelyn Bacarra ang unang nagpasikat sa kanta na tungkol sa pagsuko ng isang tao sa natapos na relasyon at ikinukumpara ito sa natutuyong bulaklak.
Buong galak naman si Kervin sa pagkakataong gumawa ng remake ng nasabing OPM classic bilang isang Cebuano artist. Aniya, “It's a great opportunity for me to make a version of the song that was written by one of the most prominent Cebuano composer-musicians, Mr. Max Surban.”
Nananatiling madamdamin ang hatid na emosyon ng DNA Music reimagined version na ngayon ay may mellow rock nang tunog.
Bago ang soft rock version niya ng “Ulahi Na Ang Pagbasol Ko,” ni-remake din ng 28-anyos na Cebuano ang Tausog song na “
Ina Ku Kalasahan” ngayong taon, na dinagdagan niya ng Cebuano at Tagalog lyrics. 2021 din nang i-release niya ang komposisyon niyang “
Pelikula.”
Bukod sa pagiging singer-songwriter, tumutugtog din ng ilang instrumento si Kervin. Taong 2019 nang madiskubre siya sa isang bar na palagi niyang tinutugtugan, na naging simula rin ng pagfu-full time niya sa musika. Sundan si Kervin sa
Facebook,
Instagram, at
Twitter para malaman ang mga bago niyang kanta.
‘Wag manghinayang sa nawalang pag-ibig at pakinggan ang “Ulahi Na Ang Pagbasol Ko” ni Kervin sa iba’t ibang
digital music platforms at sa
YouTube channel ng DNA Music. Para sa iba pang detalye, sundan ang DNA Music a Facebook (
www.facebook.com/dnamusicph), Twitter at Instagram (@dnamusicph).