News Releases

English | Tagalog

'ASAP Natin 'To,' bibigyang-pugay ang mga atletang Pinoy ngayong Linggo

August 06, 2021 AT 08 : 46 PM

Revel in our Pinoy pride on the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," this Sunday, 12 NN

Abangan din ang pasabog ng SB19 at ang birthday blowout ni Gary V.
 
Talagang engrande ang Pinoy pride celebration ngayong Linggo (Agosto 8) dahil bibigyang-pugay ng mga paborito ninyong Kapamilya idol ang tagumpay ng mga atletang Pinoy sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.  

Pakatutukan ang espesyal na opening number mula sa "ASAP Natin 'To" family, tulad nina Janine Gutierrez, iDolls, BINI, at marami pang iba, bilang pagkilala sa husay ng mga atletang Pilipino. At maki-party rin kasama ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang special appearance.

Tuloy-tuloy ang Pinoy pride celebration sa jamming session ng 6 Cycle Mind kasama si KZ, at abangan ang mga bagong magpapabilib sa ASAP New-Gen Birit Divas sa bagong kombinasyon nina Elha Nympha, Lara Maigue, Sheena Belarmino, at Gigi de Lana pati na ang bigating duet nina Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Asia's Songbird Regine Velasquez para magbigay-pugay sa mga atletang Pinoy.

Maki-hataw naman kasama ang mga paborito ninyong artista na sina Maymay Entrata, Joao Constancia, Kyle Echarri, Vivoree Esclito, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Ronnie Alonte at Loisa Andalio kasama ang trending TikTokerist at security guard na si Gene Fernandez. Magsasanib-pwersa rin sina Asia's Pop Heartthrob Darren at ASAP dance hottie AC Bonifacio para sa kanilang astig na performance.
  
Maaliw naman sa husay ng mga Star Magic singer na sina Erik Santos, Jed Madela, Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, Gigi de Lana, Lara Maigue, JM Yosures, CJ Navato, Moira Lacamba, SAB, Alyssa Mulach, Sela Guia at Angeline Quinto.  

Samantala, may pasabog na performance namang hatid sa ASAP stage ang Billboard-nominated P-pop group na SB19.  

Makisali rin sa birthday blowout ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano kasama ang mga OPM icon na sina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Taas-noong ipagdiwang ang ating Pinoy pride ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.   

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.