Mas marami nang pagkakataong manalo ng papremyo sa "Madlang Pi-Poll” dahil buong linggo nang mapapanood ang kinagigiliwang unang interactive game segment sa telebisyon sa “It’s Showtime” simula ngayong Lunes (Agosto 9).
Patuloy na dumadami ang sumasali sa live game mula sa buong bansa na umabot sa 62,665 home viewers nitong Sabado (Agosto 7), habang tatlo naman sa kanila ang naghati-hati sa premyong P70,000.
Sa “Madlang Pi-Poll,” maaaring makisagot ang viewers sa mga tanong at manalo ng mga papremyo gamit lamang ang kanilang laptop o mobile device. Para sumali, mag-log in sa
www.joinnow.ph/showtime o i-scan ang QR code na ipapakita ng hosts sa screen habang nakatutok sa “Madlang Pi-Poll.”
Maaaring maglaro ang lahat ng Filipino citizen na kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas na 18 taong gulang at pataas, at may valid ID na sumali sa game. Para naman makapasok sa raffle draw at manalo ng papremyo, kailangang ibigay ang buong pangalan, address, edad, phone number, at e-mail address sa registration form na makikita pagkatapos sagutan ang huling tanong sa laro.
Iparinig ang boses at manalo ng papremyo sa pagsagot ng “Madlang Pi-Poll” tuwing tanghali mula Lunes hanggang Sabado sa “It’s Showtime” sa A2Z channel sa digital at free TV, Kapamilya Channel sa cable at satellite TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.