News Releases

English | Tagalog

Bagong Pinoy gaming icon, hahanapin na sa "The Gaming House" sa iWantTFC at Kapamilya Online Live

September 24, 2021 AT 04 : 32 PM

Magbubukas na ang bagong tahanan para sa mga Pilipinong nangangarap na maging gaming icon sa pagsisimula ng “The Gaming House,” ang inaabangang reality show tampok ang aspiring content creators, na mapapanood na sa iWantTFC at Kapamilya Online Live simula ngayong weekend (Setyembre 25 at 26).
 
Ang pagpapalabas ng “The Gaming House” sa naturang digital platforms ay hatid ng partnership ng ABS-CBN sa Tier One Entertainment, ang nangungunang gaming and esports entertainment company sa Southeast Asia.
 
Tumuloy na sa “The Gaming House” ngayong Sabado at Linggo (Setyembre 25 at 26), 11:15 PM para makilala ang top 25 auditionees at mapanood ang live auditions nila. Pipiliin na rin ang final ten trainees na titira at magpapasiklab sa loob ng “Gaming House” mansion.
 
Sa loob ng tatlong buwan, dadaan ang sampung trainees sa iba’t ibang challenges na susubok sa kanilang pagkatao, pagpapakatotoo, charisma, at kakayahan pagdating sa content creation. Bawat linggo naman, isang trainee ang magpapaalam sa kumpetisyon base sa mga boto ng viewers at sa mga score na ibibigay ng tatlong judges, ang Tier One Entertainment founders na sina Tryke Gutierrez at Alodia Gosiengfiao at star streamer na si GHOST Wrecker.
 
Sa dulo, apat sa kanila ang matitirang matibay at maglalaban-laban para maging susunod na gaming icon na mananalo ng management contract sa Tier One Entertainment.
 
Dalawampung kaabang-abang na episodes ang mapapanood sa “The Gaming House” kasama ang dalawang hosts nito, ang streamer at cosplayer na si Aya Ezmaria at multi-platform content creator na si Josh Liñan. Sa buong season naman, itatampok sa ilang episodes ang top content creators sa bansa para gabayan ang mga trainee sa kanilang challenges.
 
Ayon naman sa ABS-CBN head of digital na si Jamie Lopez, marami pang dapat na abangang sorpresa ang mga Kapamilya mula sa pagtutulungan ng ABS-CBN at Tier One para maghatid ng bagong experiences sa lumalaking esports at gaming community sa bansa. 
 
Huwag palampasin ang premiere ng “The Gaming House” sa Kapamilya Online Live, 11:15 PM sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page at sa iWantTFC app at website. Magiging available naman ang lahat ng episodes nito nang libre sa iWantTFC.
 
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.