Help provide food for Odette victims by joining the "100 Hakbang Challenge"
Malayo mararating ng 100 hakbang ngayong Pebrero
Higit isang milyong Pilipino pa rin ang nangangailangan ng tulong matapos ang pinsalang dulot ng Super Typhoon Odette. Upang makapaghatid ng karagdagang tulong, nag-sanib pwersa ang SKY, HBO, at History Channel para ilunsad ang “Isang Daang Hakbang Sa Pagtutulungan: Kapamilya Virtual Run” sa ilalim ng proyektong “Tulong-Tulong Sa Pag-Ahon: Isang Daan Sa Pagtutulungan” ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation.
Magbubukas ang registration para sa virtual run simula Pebrero 1, kung saan ang mga lalahok ay magbibigay ng donasyon at kukumpletuhin ang “100 Hakbang Challenge” upang makatulong sa mga nasalanta ng Odette.
Para maka-register, kailangan muna magpadala ng donasyon na P100 o P400 sa pamamagitan ng pag-scan ng GCash, PayMaya, o PayPal QR Code ng “Isang Daang Hakbang Sa Pagtutulungan: Kapamilya Virtual Run.” Maaari din i-deposit ang donasyon sa BDO (0039300-86136) o BPI (3051-1156-26). Ang P100 na donasyon ay katumbas na ng 1kg na bigas at dalawang canned goods para sa habang ang P400 na donasyon ay katumbas ng 5kg na bigas at anim na canned goods para sa isang pamilya.
Pagkatapos magpadala ng donasyon, magtutungo ang mga kalahok sa
www.runrio.com para mag sign-up sa “Isang Daang Hakbang Sa Pagtutulungan: Kapamilya Virtual Run” at isusumite ang ang kanilang patunay ng donasyon. Nakadetalye rin sa website ang mga karagdagang impormasyon.
Kung nais maghatid ng mas malaking donasyon ang mga kalahok, pwede sila sumali sa Top Up Categories. Sa donasyon na P800 or P1,200, makakasali sila sa 5K o 10K Virtual Run at mas marami pang pamilya ang ang mabibigyan ng food packs.
Mula Pebrero 5 hanggang 28, maaaring kumpletihin ng mga kalahok ang kanilang 100 Hakbang Challenge, 5K, o 10K virtual run. Hinihikayat din sila na i-post ang mga litrato o bidyo ng kanilang takbo sa Facebook at Instagram gamit ang hashtag na #100HakbangSaPagtutulungan at i-tag ang kanilang mga kaibigan na sumali rin.
Ang mga makakakumpleto ng “100 Hakbang Challenge” ay makakatanggap ng e-badge habang ang mga makakatapos ng 5K at 10K Virtual Run ay makakatanggap ng e-badge, e-bib, at personalized e-certificate.
Inilunsad ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation ang “Tulong-Tulong sa Pag-ahon: Isang Daan sa Pagtutulungan,” ang ikalawang bahagi ng kanilang fund drive, para sa benepisyo ng mga nasalanta ng Odette. Nitong Enero 25, higit 141,634 pamilya sa iba't ibang lugar ng Palawan, Visayas, at Mindanao ang natulungan ng donasyong nalikom ng ABS-CBN Foundation.
Sa pamamagitan ng fundraiser na “Isang Daang Hakbang Sa Pagtutulungan,” layunin ng ABS-CBN at ang ABS-CBN Foundation na matulungan ang mas maraming pamilyang nangangailangan. Ang DSWD Authority/Solicitation Permit No. ng kampanyang ito ay DSWD-SB-SP-00026-21, valid sa buong bansa hanggang Mayo 28, 2022.
Bawat isang hakbang sa Kapamilya Virtual run na ito ay may nahahatid na tulong. Para sa iba pang impormasyon ukol ditto, bisitahin ang
www.mysky.com.ph/100hakbang. Maaari din i-follow ang SKY sa Facebook (fb.com/myskyupdates), Twitter (@myskyupdates), at Instagram (@myskyupdates) para sa karagdagang balita.