News Releases

English | Tagalog

"I Can See Your Voice," nagbabalik; home viewers kasali na rin!

January 06, 2022 AT 11 : 08 AM

Catch the back-to-back premiere episodes of "I Can See Your Voice" this coming weekend at 9:30 p.m. on Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page, Jeepney TV, iWantTFC, and TFC IPTV

Pagkikita nina Luis at Cherry Pie, abangan!
 
Nagbabalik-telebisyon ang paboritong mystery game show ng bansa na "I Can See Your Voice" at ng batikang host na si Luis Manzano kasama ang mas pinakwelang grupo ng investigators na magbibigay aliw at clues sa darating na Sabado (Enero 15).
 
Sa darating na weekend, unang sasabak sa hulaan ang mag-amang sina Janine at Monching Gutierrez sa pagkilatis kung sino ang see-nger at seen-tunado sa mga see-cret songer.
 
Samantala sa Linggo (Enero 16) masusubukan naman ang galing sa paghula nina Cherry Pie Picache at Vina Morales. Ito ang unang beses na nagkita si Luis at Cherry Pie matapos kinumpirma ni Edu Manzano ang kanyang relasyon sa "Marry Me, Marry You" star.
 
Tutulungan naman sila ng nagbabalik na singvestigators na sina Negi, Nikko Natividad at mga bago nitong makakasama na sina Lassy, MC, at Klarisse de Guzman sa kanilang panghuhula sa tatlong rounds na Lipsync, Two or False at ang huli nitong round na magbibigay ng iba't ibang clues na"Tabi-Tabi Po," "Song Ka Pa," at "Message Parlor."
 
Maari naman maging home singvestigators ang home viewers ngayong season at maaring manalo ng cash prize sa "I Can Guess Your Voice." Dapat lang nila mahulaan kung see-nger or seen-tunado ang secret songer na pipiliin ng guest star. Pwede silang magcomment ng kanilang mga hula sa Facebook page ng "I Can See Your Voice" o magtweet kasama ng hashtag ng show sa Twitter.
 
Huwag palampasin ang pagsisimula ng ika-apat na season ng "I Can See Your Voice" ngayong Sabado at Linggo, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.