News Releases

English | Tagalog

Mga nurse, bilib sa CPR scene ni Kathryn sa "2 Good 2 Be True"

October 11, 2022 AT 02 : 00 PM



Muling hinangaan ng viewers pati na ng ilang nurses at medical professionals ang trending na eksena ni Ali (Kathryn Bernardo) kung saan nagsagawa siya ng CPR o Cardiopulmonary Resuscitation sa isang matanda matapos itong ma-cardiac arrest sa "2 Good 2 Be True" noong Biyernes (Okt. 7).

Agad na pinost ng "2 Good 2 Be True" ang nasabing eksena kasama ang isang behind the scenes footage kung saan makikitang pinag-aaralan ni Kathryn ang tinuturong step by step CPR procedure ng medical consultant nila sa show.

Sabi nga ng nurse na si @yanie96219634, "I salute the writer, director, at ang bumubuo ng @2Good2BeTrue kasi nag-research talaga sila paano gawin ang CPR. As a nurse, I was impressed and @bernardokath delivered it well. Good job!

"This ACLS/BLS trainer approves, " ani naman ng doktor na si @alenapiasmd.

Komento naman ng vlogger at nurse na si Riz, "In fairness ABS-CBN, well researched ulit ha!"


Para nga sa netizens, maganda na nagtuturo ang palabas ng maayos na procedures tulad nitong CPR at F.A.S.T method na makakatulong sa mga manonood. Matatandaang nakasagip nga ang programa ng buhay matapos gawin ng isang netizen ang F.A.S.T method sa lolo niyang na-stroke.

Sa nasabing episode, papaalis na sina Ali at Tox (Gillian Vicencio) sa clinic matapos malaman ni Eloy na nakita nito si Diego (Archi Adamos), ang dating security head ng Horizon Grand. Ngunit bago pa sila makalabas, nakita ni Ali na nawalan ito ng malay kaya naman agad siyang lumapit para tulungan ito.

Makatulong kaya ang kabutihang loob na ginawa ni Ali o mas mapasama ang sitwasyon nila sa pagkuha ng ebidensya laban kay Helena (Gloria Diaz)?

Huwag palampasin ang bawat eksena sa "2 Good 2 Be True" at panoorin ito ng advance sa Netflix Philippines o iWantTFC. Maaari rin ito subaybayan sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, Jeepney TV, at TFC IPTV.