News Releases

English | Tagalog

'ASAP Natin 'To,' may bigating ballad hits showdown ngayong Linggo

October 21, 2022 AT 10 : 52 PM

Sing along to your favorite TikTok ballads in "The Greatest Showdown"

Abangan din ang P-Pop treat ng BGYO at dance showdown nina AC, Chie, at Maymay

Itotodo muli ng paborito ninyong Kapamilya stars ang party vibes, tampok ang iba't ibang world-class acts ngayong Linggo (Oktubre 23) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Huwag palampasin ang bigating TikTok ballad hits biritan nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, KZ, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama sina Darren, Sheena Belarmino, JM Yosures, Khimo Gumatay, Sam Mangubat, at Angeline Quinto sa "The Greatest Showdown."

Talagang titigil ang mundo sa panibagong pasabog ng BGYO sa ASAP stage, tampok ang kanilang single na "Tumitigil ang Mundo."

Hindi naman pahuhuli ang mainit-init na dance showdown nina AC Bonifacio, Chie Filomeno, and Maymay Entrata sa "Clash Dance" kasama ang D'Grind.

Maki-rakrakan sa classic rock-and-roll hits performance nina Bamboo, Anji Salvacion, Charlie Dizon, Karina Bautista, Krystal Brimner, Shanaia Gomez, Jed Madela, Nyoy Volante, Jason Dy, Elha Nympha, Enchong Dee, at ng buong "ASAP Natin 'To" family kasama si Robi Domingo.

May jamming session din ang 'Kilabotitos' na sina Ogie at Ian Veneracion, habang may fresh rockoustic treat din sina KD Estrada at Kice.

Kiligin naman sa duet ng real-life sweethearts at stars ng "Love in 40 Days" na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Pakatutukan din ang senti hits biritan nina Zsa Zsa, Regine, Nina, at Klarisse de Guzman.

At abangan din ang musical surprise ng nag-iisang Mr. Pure Energy, Gary Valenciano.

Halina at maki-party na ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para naman sa mga Kapamilya natin sa Las Vegas, live na live ding mapapanood ang world-class performances ng mga paborito ninyong ABS-CBN artists ngayong November 5 sa "ASAP Natin 'To Las Vegas" sa Orleans Arena. Available na ang tickets nito sa mytfc.com/asapinvegas.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.