News Releases

English | Tagalog

Pambato ng madlang pipol na si Anne Lorenzo, wagi bilang "Miss Q and A: Kween of Multibeks"

October 22, 2022 AT 02 : 59 PM

Hindi na sinayang ni Anne Lorenzo ang pangatlong pagkakataon ibinigay sa kanya nang hirangin siya bilang "Miss Q & A:Kween of Multibeks" sa"Miss Q & A:Kween of Multibeks Queen-finity War" ngayong araw.

 

Siya ang napiling koronahan bilang bagong reyna ng Miss Q &A matapos niyang nakuha ang pinakamataas na total combined scores na 92.1% mula sa hurados na sinaNicole Cordoves, Small Laude, Jugs Jugueta and Teddy Corpuz, Jojo Bragais, Zeinab Harake, Doris Bigornia, at Robi Domingo. Matapang nga niyang sinagot ang tanong sa Final Chukchak kung naniniwala siyang may taong tanga.

 

Ani ni Anne, "Naniniwala akong may taong tanga dahil sinasadya niyang magpaka-tanga dahil lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mail. Nilikha tayong matalino pero choice natin magpaka-tanga. Sila yung mga totoong taong tanga dahil pinipili nilang magpaka-bobo sa mga sitwasyong na kailangan at kayang-kaya naman nilang maging matalino."

 

Tinalo nga niya ang kapwa niyang 'All-Star Warlahan' contestant na si Manny Dionisia at si Karen Montecillo.

 

Bilang grand winner, nanalo siya ng P500,000, isang negosyo package na nagkakahalagang P450,000 mula sa Esting's Bellychon, pampaganda package na nagkakahalagang P100,000 mula sa Queens Wellness and Beauty Center, isang trophy na gawa ng kilalang visual artist na si Toym Imao, at Queen-finity crown na dinisenyo ng M.S. Crowns.

 

Kilala si Anne bilang isa sa finalist ng “Miss Q & A InterTALAKtic 2019." Sa kanyang pagbabalik sa "All Star Warlahan" sa "Miss Q & A: Kween of Multibeks," muli nga siyang naligwak sa semi-finals. Buti na lang at swinerte si Anne ng masungkit ang Madlang Pi-Poll's Choice Award para tumuloy sa grand finals.

 

Mula siyam na finalists, nakalusot siya sa Top 6 at tinalo si Sashie Esmeralda sa 'DeBattle.' Ang iba namang grand finalists na hindi pinalad makausad sa kompetisyon ay sina Ivern Doroteo, Ralph Conducto, at ang Hurado's choice na si Heart Mae Perez.

 

Nagbigay naman ng kanyang huling mensahe at nag final walk ang "MissQ & A InterTALAKtic 2019" grand winner na si Mitch Montecarlo Suansane. Bumaha rin ng magagandang papuri at nag-trending ang hashtag ng show na #MissQandAQueenfinityWar at inihalintulad pa ito sa Miss Universe.

 

Samantala, abangan ang pagsisimula naman ng bagong segment na "Girl on Fire," kung saan magpapakitang gilas ang mga kababaihan sa kanilang talento sa pagsasayaw. Huwag din palampasin ang iba pang pasabog ng "It's Showtime" hosts sa susunod na linggo.

 

Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel,TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.