News Releases

English | Tagalog

Noli, may hatid na mga bagong kwentong kababalaghan sa “KBYN: Kaagapay Ng Bayan”

October 28, 2022 AT 09 : 36 PM

Mga kwento tungkol sa black lady, demonyo, kapre, atbp 

 

Kumpleto na muli ang paggunita ng Halloween ng mga Pinoy dahil may handog na bagong mga kwentong magpapakilabot sa mga viewer si Noli de Castro ngayong Linggo (Oktubre 30) sa “Kababalaghan: Pagkagat ng Dilim” ng “KBYN.”

Para sa naturang Halloween special, itatampok nito ang kwento ng mga Pilipinong may karanasan sa iba’t ibang elemento. Nariyan ang isang pamilya mula sa Calabarzon na patuloy na ginagambala ng isang black lady kahit pa lumipat na sila ng bagong bahay. 

Isa ring pamilya mula pa rin sa Calabarzon ang nakakaranas ng samu’t saring kababalaghan sa dati nilang tinitirhang bahay. Ilan sa mga nilalang na nagpakita at nagparamdam nila ang white lady, lalaking naka-kadena ang paa, at isang demonyo. 

Sinasapian naman umano ng demonyo ang isang 18 gulang na buntis sa Cavite matapos maglaro ng spirit of the glass kasama ang kanyang mga kaibigan, habang sinusundan naman ng kapre ang isang 48 taong gulang kahit saang lugar siya magtungo.  

Maghanda na sa isang gabing magpapatindig sa balahibo ng sambayanan sa “Kababalaghan: Pagkagat ng Dilim,” isang Halloween special ng “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” ngayong Linggo (Oktubre 30), 5 pm bago ang “TV Patrol Weekend” sa  Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, news.abs-cbn.com/live, YouTube ng ABS-CBN News, TeleRadyo, at A2Z. 

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.