Talagang magniningnig ang inyong weekend sa hatid na all-star concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya artists, tampok ang mga bigating selebrasyon at iba pang bonggang performances ngayong Linggo (Oktubre 9) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Abangan ang engrandeng birthday celebration ng King of Pinoy Teleserye Theme Songs na si Erik Santos, tampok ang kanyang duet performance kasama ang kanyang kapatid na si Hadiyah, na sasabayan din ng special biritan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Darren, Karylle, Jolina Magdangal, Moira dela Torre, Frenchie Dy, at Kyla sa "The Greatest Showdown."
Maki-jamming din kasama ang paborito ninyong OPM artists, tampok ang bigating senti kantahan ng The Juans kasama sina Gigi de Lana at Morissette; new-gen hits sing-along nina Moira dela Torre, Janine Berdin, Adie, at Ace Banzuelo; at ang rockoustic session nina KD Estrada at Kice.
Iinit naman ang dancefloor sa intense hatawan nina AC Bonifacio at Sheena Belarmino, kasama ang D'Grind sa "Clash Dance."
Pakatutukan din ang all-star performance nina from Francine Diaz, Enchong Dee, Shanaia Gomez, Krystal Brimner, Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, MNL48, at ng buong "ASAP Natin 'To" family kasama si Robi Domingo.
Tuloy-tuloy ang kantahan sa tapatan ng New Gen Birit Idols na sina Khimo Gumatay, Bryan Chong, JM Yosures, at Sam Mangubat kasama ang nag-iisang Concert King Martin Nievera; at ang Mandy Moore hits biritan nina Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Asia's Songbird Regine Velasquez kasabay sina Alexa Ilacad at Anji Salvacion.
At damhin ang Pinoy pride sa Manila hits performance nina Ogie Alcasid, Erik Santos, Nyoy Volante, Jason Dy, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Huwag palampasin itong all-star concert experience mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.