ABS-CBN CCM, Angela Ken, at Knowledge Channel, pinarangalan sa CMMA 2022
Pinarangalan ang ABS-CBN ng Hall of Fame award dahil sa anim na Best Station IDs nito sa 44th Catholic Mass Media Awards (CMMA), kung saan maituturing itong isang milestone para sa tradisyon ng kumpanya sa paglilikha ng mga makabuluhang Christmas at Summer Station IDs para sa mga Pilipino.
Anim na Kapamilya anthems ang kinilala ng CMMA sa mga taong 2010 ("Bro, Ikaw ang Star ng Pasko" - CSID 2009) , 2011 ("Ngayong Pasko Magniningning ang Pilipino" - CSID 2010), 2012 (Pinoy Summer, Da Best Forever - SSID 2012), 2014 (Masayang Muli ang Kwento ng Summer - SSID 2014), 2016 (Thank you for the Love - CSID 2015), at 2021 (Ikaw ang Liwanag at Ligaya - CSID 2020).
Bukod dito, nanalo ang ABS-CBN ng Best TV Ad (Public Service) award para sa PSA nitong tampok ang mga Pinoy Olympic medalists na pinamagatang “Sa Likod ng Medalya.”
Ang “It’s Okay Not To Be Okay,” na inawit at isinulat ni Angela Ken kasama ang ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo, ay nakakuha ng Best Secular Song award.
Samantala, nakatanggap ng special citation para sa Best Children and Youth Program award ang educational video series na “Ready, Set, Read!” ng Knowledge Channel.
Ang Catholic Mass Media Awards ay isang taunang seremonya na nagbibigay-pugay sa mga organisasyong nagsusulong ng maka-Diyos na pamamahayag sa print, broadcast, at social media.
Para sa iba pang mga balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.