News Releases

English | Tagalog

BINI, inilunsad ang kanilang kauna-unahang Viber Lens

November 17, 2022 AT 05 : 35 PM

Join the #BINIxViberLens challenge and get a chance to win exciting prizes!

Subukan ang AR lenses at sumali sa #BINIxViberLens challenge

Ang tinaguriang nation's girl group na BINI ang kauna-unahang Filipino artist na may sariling augmented reality (AR) lenses sa Viber sa kanilang sorpresang Vlber Lens na handog ng grupo katulong ang messaging app.
 
Laman ng Viber Lens ang signature na bulaklak ng BINI na may kasamang bituin at paro-paro sa design nito na pwedeng gamitin sa selfie o groufie shot.
 
Hinihikayat din ng BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang kanilang fans na tinatawag na BLOOMs na sumali sa #BINIxViberLens challenge kung saan maaaring manalo ng video shoutout mula sa grupo, exclusive merchandise, at iba pang exciting prizes.
 
Para makasali, gamitin ang Viber Lens at i-record ang sariling impresyon ng “I Feel Good” tampok ang BINI infinity sign. I-download ang video mula sa Viber at i-upload ito sa Tiktok kasama ang “I Feel Good” bilang background music. Huwag din kalimutan na lagyan ng in-video text at kumpletuhin ang katagang “I Feel Good because…” Gamitin ang hashtags na #BINIxViberLens at #BINI_IFeelGood at siguraduhin naka-public at downloadable ang video.
 
Ipo-post ang shortlisted entries sa Backstage Pass Channel ng Viber na pipiliin base sa concept, visual aesthetics, creativity, at performance. Maaaring magsumite ng entries hanggang Disyembre 1 (Huwebes) at abangan sa social media ng BINI ang pangalan ng mga nanalo.
 
Samantala, inilabas na ng all-female P-pop group ang kanilang ikalawang album na “Feel Good” noong Setyembre. Nakasama rin sila sa “ASAP Natin ‘To Live in Las Vegas” kung saan ipinerform nila ang kanilang latest single na “Strings.”
 
Para sa iba pang detalye, sundan ang BINI_ph sa FacebookTwitterInstagram, at Tiktok, at mag-subscribe sa kanilang YouTube channel, BINI Official.