Ramdam na ang pananabik ng mga Pilipino para sa "Tayo ang Ligaya ng Isa't Isa," ang 2022 ABS-CBN Christmas ID, matapos ipasilip ang
teaser para sa awitin.
Makikita sa
teaser para sa lyric video na ipapalabas sa Nobyembre 11 ang mga Kapamilya star na nagkaisang umawit para sa “Tayo ang Ligaya ng Isa’t Isa” tulad nina Anne Curtis, Angeline Quinto, Chito Miranda, Eric Santos, Jed Madela, Jolina Magdangal, KZ Tandingan, Martin Nievera, Melai Cantiveros, Morisette, Moira dela Torre, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, at Zsa Zsa Padilla.
Tampok din sa teaser sina AC Bonifacio, Darren Espanto, Jane de Leon, Janella Salvador, Joshua Garcia, at Kapamilya love teams na sina Francine Diaz at Seth Fedelin (FranSeth), Alexa Ilacad at KD Estrada (KDlex), Donny Pangilinan at Belle Mariano (DonBelle), at Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (KathNiel).
Ayon kay ABS-CBN Creative Communications Management head Robert Labayen, na siyang sumulat ng bagong Christmas ID, pasasalamat ang tema ng awitin ngayong taon.
“Kahit na marami tayong pinagdaanan, kahit marami tayong bagay na masyadong malaki sa atin na hindi natin ma-control, nandiyan pa rin ang ating mga mahal sa buhay, kaibigan, at kamag-anak. Sila ang pinagmumulan ng ligaya natin,” kwento niya sa isang panayam sa “TV Patrol.”
Sinabi naman ni Jonathan Manalo, ang composer ng bagong himig, na ‘sobrang tatama sa puso’ ang lyrics ng “Tayo ang Ligaya ng Isa’t Isa.”
Taon-taon, inaabangan ng mga Pilipino ang Christmas IDs ng ABS-CBN dahil sa mahalagang mensahe nito, nakakaantig na mga kwento ng mga Pinoy, at ang pagpapadama ng diwa ng Pasko tampok ang iba’t ibang Kapamilya stars.
Huwag palampasin ang premiere ng lyric video ng “Tayo ang Ligaya ng Isa’t Isa” na espesyal na regalo ng ABS-CBN sa sambayanang Pilipino sa Biyernes (Nobyembre 11) pagkatapos ng “TV Patrol.”
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa
www.abs-cbn.com/newsroom