As part of the heightened initiatives for “Oplan: Kontra Putol,” SKY has secured tighter coordination with the DILG and different barangays in Mega Manila and Central Visayas
Higit 472 na insidente ang naitala sa Mega Manila at Visayas
Mas pinalawak ng SKY ang kanilang kampanya upang labanan ang tumataas na insidente ng ilegal na pagpuputol at pagnanakaw ng mga kable na nagdudulot ng malawakang pagkawala ng cable TV signal at internet connection ng mga pamilyang Pilipino.
“Simula noong inilunsad namin ang ‘Oplan Kontra Putol’ kasama ang iba pang telcos, mas dumami ang mga kasong nairereport sa amin at mas mabilis naming naaaksyunan ang mga ito,” pahayag ni Claudia Suarez, chief operating officer ng SKY.
Nakapagtala ng higit 472 na insidente ng pagnanakaw at pagpuputol ng kable ang SKY at iba pang telcos simula Enero 2022, na karamihan sa mga nahuli ay mga menor de edad pa.
“Patuloy ang SKY sa paggawa ng mga paraan para mapaayos ang aming mga serbisyo at maibalik agad ang anumang aberyang resulta ng pagpuputol ng aming mga kable,” dagdag pa ni Suarez.
Hinihikayat ang lahat na ireport ang mga kaso ng illegal cable cutting activities sa inyong lokal na pulisya at barangay. Maaari ring magreport sa SKY sa pamamagitan ng form na makikita sa www.mysky.com.ph/kontraputol.
Samantala para sa SKY subscribers, maaari namang makipag-ugnayan sa SKY Security Hotline +63 2 34499111 (para sa mabilis na pagtugon, maaari itong gamitin para sa mga report sa loob ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna) o sa SKY 24/7 messaging platform na si KYLA sa Viber (mysky.com.ph/kylaofsky), Facebook Messenger (m.me/myskyupdates), o sa SKY's official website (mysky.com.ph/message-us).