"Divine" promotes taking ownership of one’s individuality.
Papainitin ng internationally-renowned Filipina drag artist at “Drag Race Philippines” first runner-up na si Marina Summers ang buwan ng Nobyembre sa kanyang debut single sa ilalim ng Tarsier Records na pinamagatang “Divine.”
Ipinagdiriwang ng awitin ang queer community habang ipinagmamalaki nito ang individuality ng bawat isa. Tampok din sa “Divine” ang iba’t ibang heavenly references at ang tema nitong summer na siguradong magpapaindak sa marami.
Ipinorodyus ni Tarsier Records label head na si Moophs ang kanta habang si Marina naman ang sumulat nito. “Gotta leave your fear behind. Kill the demons in your mind. Get baptized and keep it tight,” saad ni Marina sa kanyang awitin.
Umabot na agad sa 23,000 views ang music video ng “Divine” sa YouTube habang may mahigit 20,000 streams na ito sa Spotify sa loob lamang ng tatlong araw. Napahanga rin ni Marina ang Drag Race US superstar na si Alaska Thunderf*ck matapos siyang batiin nito sa pagkalabas ng kanyang single.
Nagpakitang gilas naman agad si Marina sa kanyang unang live performance ng “Divine” sa Divine Official Launch Party na naganap sa Empty Stomach, Bonifacio Global City (BGC) noong Linggo (Nobyembre 6). Kasama rin niya si Tarsier artist Zion Aguirre at iba pang Drag Playhouse PH queens na sina Eva Le Queen, PRINCE, and ØV CÜNT na naghatid saya.
Sumayaw sa tinig ng “Divine” na napapakinggan na sa iba’t ibang digital platforms at napapanood na rin ang
music video nito sa YouTube. Para sa iba pang detalye, sundan ang Tarsier Records sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
Tiktok, at
YouTube.