Christmas village sa Pampanga, bibisitahin ni Kabayan ngayong Linggo
Nagbibigay ang parol ng ilaw sa mga tahanan tuwing Pasko, pero kaya ring magbigay ng saya at liwanag ang recycled parol na patutunayan ng dalawang senior citizen na ipapamalas ang galing sa paglikha ng palamuting ito ngayong Linggo (Disyembre 18) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” ni Noli de Castro.
Ang 69-anyos na si Reynaldo Magcuilat mula sa Quezon City ay gumagamit ng mga plastic na bote ng soft drink, habang ang 78-anyos na si Emiliana Esguerra ay gumagamit naman ng mga plastic straw sa paggawa ng kanilang makukulay na dekorasyon.
Magpapatuloy ang kasiyahan ngayong Pasko dahil dadalhin ni Kabayan ang mga manonood sa isang Christmas village sa San Fernando, Pampanga. Swak na swak ito para sa mga pamilyang naghahanap pa ng mapupuntahan ngayong bakasyon dahil sa iba’t ibang pagtatanghal sa lugar na ito.
Samantala, tampok sa “KBYN” ang 58-anyos na si Susana Babao mula sa Camarines Norte, na patuloy pa rin sa pag-aaral bilang Grade 10 student. Sa kabila ng sitwasyon, pinatunayan niyang hindi hadlang ang kanyang edad sa kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral, na sinusuportahan din ng kanyang kinakasamang si Virgilio Nunez.
Panoorin ang mga kwentong ito sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” kasama si Noli de Castro ngayong Linggo (Disyembre 18) simula 5PM sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at news.abs-cbn.com/live.
Para sa karagdagang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.