Papalapit na talaga ang holiday season at tuloy-tuloy pa rin ang dagsa ng pamaskong world-class performances mula sa paborito ninyong Kapamilya stars at guest artists live na live ngayong Linggo (Disyembre 4) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Abangan ang pagsalang ng 59 Dream Chasers mula sa Kapamilya global pop group search show na "Dream Maker," na magpapakitang gilas ng kanilang talento sa ASAP stage kasama ang Asia's Pop Heartthrob na si Darren. Patuloy pa rin ang Pinoy pop invasion sa nagbabagang solo act mula kay Lovi Poe at sa new single performance ni Maymay Entrata.
Maki-jamming sa rockoustic session nina KD Estrada at Kice kasama si Ian Veneracion, pati sa rock-and-roll kantahan nina Janine Berdin, Sheena Belarmino, at Bamboo. May fresh pasabog din si Francine Diaz kasama ang G-Force.
Mapapa-indak kayo sa Irene Cara hits kantahan at sayawan nina Jason Dy, Shanaia Gomez, Vivoree, Karina Bautista, The Company, at ang buong ASAP family. Makikisali rin sa live Sunday party sina Robi Domingo pati ang "Tara, G!" stars na sina Anthony Jennings, Kaori Oinuma, Daniella Stranner, at JC Alcantara.
Damhin ang bigating concert vibes sa biritan nina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez kasama ang new-gen singers na sina Sheena, Elha Nympha, Lara Maigue, and Angela Ken, na susundan din ng dancefloor hatawan nina Anji Salvacion, Alexa Ilacad, Jeremy G, Joao Constancia, at Jin Macapagal.
Maaantig naman ang inyong mga puso sa inihandang musical number nina Erik Santos, Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano.
At ramdam na ramdam ang simoy ng Pasko sa Christmas hits tapatan nina Gary V., Martin, Zsa Zsa, Erik, Ogie, at Regine kasama sina Darren, Sheena, Elha, JM Yosures, Sam Mangubat, Lucas Garcia, Nina, at Klarisse de Guzman sa "The Greatest Showdown."
Huwag palampasin ang bigating maagang pamasko ng longest-running musical variety show sa bansa, ASAP Natin 'To," live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.