News Releases

English | Tagalog

Binatilyong walang binti, ipapamalas ang kahusayan sa skateboarding sa “KBYN: Kaagapay Ng Bayan” ni Noli

December 02, 2022 AT 08 : 54 AM

Mga kalapating P3 milyon ang halaga, ipapakita ni Kabayan ngayong Linggo

 

Itatampok ni Noli de Castro ang PWD teenager na si Kevin Almazan, na nagsisimula nang gumawa ng pangalan sa larangan ng skateboarding, ngayong Linggo (Disyembre 4) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”

Pinatunayan ng 17-anyos na skateboarder mula sa Calamba, Laguna na hindi hadlang ang kanyang kapansanan sa pamamayagpag niya sa extreme sports. Sumisikat na rin si Kevin sa social media dahil sa patuloy niyang pagsali sa mga skateboarding events.

Ipakikilala rin sa “KBYN” ang mangangalapati at negosyante na si Jon Alegre, na nagmamay-ari ng mga kalapati na nagkakahalaga ng P3 milyong piso bawat isa. Bukod kay Jon, ipinakita ng tinaguriang “Godfather” sa pangangalapati na si Jaime Lim ang mahigit isang libong kalapati na kanyang inaalagaan.

Samantala, binisita ng KBYN ang isang grupo ng kababaihan sa Antipolo City, na tradisyon na ang paggawa ng mga de-kalidad na dekorasyon tuwing Pasko. Ang iba’t ibang anyo ni Santa Claus na kanilang mga likha ay malaking naitulong sa kanilang mga pamilya at komunidad.

Huwag palampasin ang mga kahanga-hangang kwentong ito ngayong Linggo (Disyembre 4) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” at 5PM sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at news.abs-cbn.com/live .

Para sa karagdagang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.