Talagang bigatin ang pagsalubong sa bagong taon, tampok ang maiinit na world-class treats mula sa paborito ninyong Kapamilya stars at guest artists ngayong Linggo (Enero 1) sa New Year edition ng
"ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Simula pa lang ng 2023 ay itotodo na ang kantahan sa ASAP stage sa bigating Super Divas biritan nina Morissette, Nina, Klarisse de Guzman, at Regine Velasquez kasama sina Elha Nympha, Fana, at Lara Maigue. Hindi rin pahuhuli ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa bagong edisyon ng "Sarah G Specials."
May pasabog na P-Pop collab naman ang Alamat at ang Asia's Pop Heartthrob na si Darren, habang iinit din ang dancefloor sa "Clash Dance" hatawan nina Andrea Brillantes at Maymay Entrata. Abangan din sa ASAP stage ang K-Pop dance cover ng ASAP dance royalty na si Kim Chiu.
Bigyang-pugay naman ang galing ng Pinoy sa unstoppable kantahan at sayawan nina Alexa Ilacad, KD Estrada, Kice, Enchong Dee, Jameson Blake, Angela Ken, at ng buong ASAP family kasama ang special guest performer na si Nik Makino. Makiki-party rin sa all-star salubong si Janine Gutierrez.
Samantala, maki-hugot naman sa senti hits kantahan ni Moira dela Torre kasama sina Anji Salvacion, Jeremy G, Ryssi Avila, Ann Raniel, Bryan Chong, Janine Berdin, pati ang balladeers na sina Ogie, Martin, Jed Madela, at Jason Dy. May hatid ding fresh treat ang OPM band na Nobita at special collab sina Gary Valenciano at Khimo Gumatay.
At itodo na ang pagsalubong sa bagong taon sa bigating duet performances nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Erik Santos, Morissette, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama sina Sheena Belarmino, Jason Dy, JM Yosures, Klarisse de Guzman, Sam Mangubat, Reiven Umali, at Darren sa "The Greatest Showdown."
Tara at makisaya na sa all-star New Year celebration ng longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.