Damang-dama ang pagmamahal sa inihandang Valentine treats ng "ASAP Natin 'To," tampok ang bigating love duet kantahan mula sa New Gen Birit Singers at iba pang naglalakihang OPM artists, at jampacked kantahan at sayawan mula sa inyong paboritong Kapamilya stars ngayong Linggo (Pebrero 13) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Ramdam na ramdam ang pag-ibig sa love duets ng New Gen Birit Singers na sina
Lara Maigue, Reiven Umali, Anthony Castillo, Janine Berdin, Sam Mangubat, Sheena Belarmino, JM Yosures, at Alexa Ilacad.
Humanda rin sa isang bonggang Whitney Houston hits kantahan at sayawan mula kina Janine Gutierrez, Kim Chiu, Darren, Francine Diaz, Kyle Echarri, Jason Dy, Klarisse de Guzman, Jeremy G, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at ang buong "ASAP Natin 'To" family habang makiki-party rin ngayong Linggo sa ASAP stage si Robi Domingo.
Tuloy-tuloy rin ang kantahan sa "Chinito" performance ni Yeng Constantino, at pa-collab ni Ogie Alcasid kasama ang bandang The Juans.
May inihanda pang jampacked kantahan at sayawan ang inyong paboritong Kapamilya stars, tulad ng mainit-init na solo act mula kay Kim Chiu; next-level hatawan mula kina Francine Diaz, Krystal Brimner, at Karina Bautista; at ang trending tandem performance mula kina Alexa Ilacad at Anji Salvacion.
Hindi rin pahuhuli sa all-star indakan si KZ kasama sina Jameson Blake at Jin Macapagal, habang may hip-hop tapatan din sina Kyle Echarri, Jeremy G, at Jason Dy. Abangan din ang duo treat nina Klarisse de Guzman at Sheena Belarmino, pop heartthrob performance ni Darren, at ang pasabog na biritan mula kina Janine Berdin, Fana, at Gigi de Lana.
At huwag palampasin ang bigating kilig hits kantahan nina Gary Valenciano, Klarisse de Guzman, Darren, KZ, Jed Madela, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Jona, Erik Santos, at Regine Velasquez sa special Valentine edition ng "The Greatest Showdown."
Itodo na ang Feb-Ibig sa isa nanamang world-class concert experience mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.