The outside world raved about Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, and Enchong Dee as members of “pamilya ni Kuya” in “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition.
Basti, Kathleen, Jaye, at Zach, nominado ngayong linggo
Bumilib ang outside world sa pagpapakilala kina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, at Enchong Dee bilang pamilya ni Kuya sa simula ng “Pinoy Big Brother" Kumunity Season 10” Adult Edition 2nd Eviction Night noong Sabado (Pebrero 12).
Kinagiliwan din ng netizens ang nakakatuwang kumustahan ni Kim, na dati ring "PBB" housemate at Big Winner, sa mga housemate bago inanunsyo ni Bianca ang paglabas sa bahay ni Kuya nina Rica Kriemhild at Aleck Iñigo. Nakakuha ang “Dolce Amore Daughter ng Italy” ng 4.55% ng combined votes, habang 5.02% ang nakalap ng “Most Valuable Rider ng Las Piñas.”
Naligtas naman sa eviction sina Basti Macaraan at Kathleen Agir na nakakuha ng 19.06% at 11.75% ng combined votes. Pero noong Linggo (Pebrero 13), nabasag ulit ang puso nina Kathleen at Basti dahil nominado ulit sila sa susunod na eviction night sa Sabado (Pebrero 19) matapos makakuha ng 8 at 6 na puntos. Kasama nila bilang nominado sina Jaye Macaraan (5 puntos), Gin Regidor (4 puntos), at Zach Guerrero (4 puntos).
Ligtas naman sa nominasyon si Michael Ver Comaling matapos magwagi sa “Head of Household” challenge, habang pinili ni Isabel Laohoo na gamitin ang kanyang immunity sa nominasyon.
Ano na naman kaya ang dapat abangan ngayong linggo sa housemates at pamilya ni Kuya? Tutok lang sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu. Samahan din ang ex-celebrity housemate na si Benedix Ramos ngayong linggo sa "Kumunity G sa Gabi" tuwing 9 pm.
Abangan din sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Enchong Dee, at Melai Cantiveros sa “Kumulitan” sa Kumu tuwing 5:30 pm. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.