News Releases

English | Tagalog

Zsa Zsa, may engrandeng anniversary treat sa 'ASAP Natin 'To'

February 19, 2022 AT 10 : 42 AM

Catch all of these world-class acts from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," this Sunday, 12 NN

Abangan din ang birthday performance ni Alexa, at ilan pang bigating OPM collabs

Tuloy-tuloy ang dagsa ng kaabang-abang na world-class performances mula sa paborito ninyong Kapamilya idols, tulad ng bonggang anniversary treat ni Zsa Zsa Padilla, pa-birthday blowout ni Alexa Ilacad, at ilan pang bigating OPM collabs ngayong Linggo (Pebrero 20) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Bigay-todo muli sa ASAP stage ang nag-iisang Divine Diva dahil ipagdiriwang ni Zsa Zsa ang kanyang ika-39 na anibersaryo sa showbiz, habang hindi rin pahuhuli sa kanyang pa-blowout si Alexa Ilacad para sa kanyang birthday performance.

Maki-hataw naman kasama sina Janine Gutierrez, Enchong Dee, Kyle Echarri, Seth Fedelin, Jameson Blake, Charlie Dizon, Krystal Brimner, Jona, Jason Dy, Sheena Belarmino, Lara Maigue at ang buong "ASAP Natin 'To" family sa kanilang dance hits kantahan at sayawan.

Patuloy pa rin ang dagsa ng mga kapana-panabik na OPM collabs sa ASAP stage, tulad ng pop kantahan nina Bamboo at Darren; at ang soulful biritan nina KZ at Asia's Songbird Regine Velasquez.

Abangan din ang New Gen Birit sing-off nina Janine Berdin, Reiven Umali, JM Yosures, at Elha Nympha; at ang all-star awitan nina Dingdong Avanzado, Jessa Zaragosa, Jolina Magdangal, Jed Madela, Erik Santos, at Yeng Constantino.

At patuloy na damhin ang Feb-Ibig sa karaoke love hits kantahan nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Nina, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Huwag palampasin ang mga world-class performance na ito mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.